^

PSN Opinyon

Editoryal - May 'gloria' ang bukas ni Mendoza

-
Nakalilito ang mga pahayag ni President Gloria Macapagal-Arroyo tungkol sa susunod na mamumuno sa Philippine National Police (PNP). Sino nga ba talaga? Pagkatapos sabihin ni GMA noong nakaraang linggo na si Deputy Director Gen. Hermogenes Ebdane ang susunod na PNP chief ay kung anu-ano nang mga nakalilitong pahayag ang kanyang tinuran na nakapagdudulot ngayon ng pag-aalinlangan. Kamakalawa’y sinabi naman ni GMA na maaari niyang i-extend ang termino ni Mendoza. Ano ba ito? Bata pa raw naman umano si Ebdane at maaari pa namang makapaghintay ng apat na taon hanggang magretiro si Mendoza. Si Mendoza ay nakatakdang magretiro sa darating na Marso 2002 sa edad na 56.

Marami ang napakamot sa ulo at nagtataka kung bakit masyadong napaaga ang pagsasabi ni GMA nang makakapalit ni Mendoza. Sa nangyari’y parang sinisisi pa ni GMA ang media kung bakit nga napaaga ng ganoon. Sinabi ni GMA sinasagot lamang niya ang mga tanong ng reporters sa mga pagbabago sa PNP. Ang pagtatanong ng mga reporters ay may kaugnayan sa "Black October" coup plot at nahantong sa kung sino ang susunod na magiging PNP chief. Hindi raw niya sinabing ire-retire si Larry (nickname ni Mendoza) sa March. Ipinaliwanag ito ni GMA sa kanyang TV-radio program na "May Gloria ang Bukas mo". Maaari pa raw niyang i-extend si Mendoza ng hanggang apat na taon pa.

Sa takbo ng pangyayari, maaaring pinal na ang desisyon ni GMA kay Mendoza. Subalit maaaring lumikha ito ng mga problema lalo’t hinggil sa paghirang sa mamumuno sa PNP. Ipinapakitang mayroon siyang pinapaboran at hindi ito magandang tingnan lalo na’t sa isang organisasyong tulad ng PNP. Hindi sana naging maaga ang pagpapahayag niya nang susunod na PNP chief na maaari pang ikasama ng loob ni Ebdane. Sa nangyari, maaaring magdulot din ito ng demoralization sa PNP. Maaaring magkaroon ng crack at magkawatak-watak.

Oo nga’t may karapatan si GMA na i-extend ang sinumang malapit sa kanya at dahil si Mendoza ay pinagkakatiwalaan, ginawa na nga niya ang para sa kanya’y tama lang. Tama naman siya kaya lamang, dapat sana’y nasunod kung ano ba iyong pinapraktis na.

Baka dahil sa pagbawi o pagbabago ng desisyon ni GMA ay hindi mapabuti ang PNP at matuloy ang lamat. Hindi rin kaila na ang PNP ay nababalutan ng dumi. At paano makakaskas ang dumi kung maski ang pagpili sa mamumuno rito ay hindi rin masiguro kung sino.

BLACK OCTOBER

DEPUTY DIRECTOR GEN

EBDANE

GMA

HERMOGENES EBDANE

KUNG

MAY GLORIA

MENDOZA

PNP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with