^

PSN Opinyon

Angat police takot kay 2nd Lt. Gerard Reyes?

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
Sangkaterbang nerbiyos ang inaabot ng mga residente ng Angat, Bulacan kapag nasa paligid itong kanilang hometown pride na si 2nd Lt. Gerard Reyes.

Itong si Reyes na naka-assign umano sa probinsiya ng Iloilo ay mukhang may "war shock" dahil mahilig magpaputok ng baril kapag siya’y lango sa alak. At habang nasa "cloud 9" si Reyes sa pagpatupad ng kanyang personal na pangarap ang mga residente naman ay nagdarasal ng taimtim na sana’y matapos na itong kahibangan ng batang opisyal ng Philippine Army (PA).

Si Reyes, ayon sa mga nakausap kong taga-Angat ay miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) Class 2000. Aba, wala pa siyang isang taon sa serbisyo eh gumagawa na siya ng milagro. In this trying times, itong bad example na ginagawa ni Reyes ay maaaring makapaghikayat pa ng ilang disgruntled nating mamamayan na mamundok imbes na magtiis at hintaying maitaas nga ni Presidente Arroyo ang ating ekonomiya. Eh sa tingin ko hindi nag-iisa si Reyes sa hanay ng ating Armed Forces at sa Philippine National Police (PNP) di ba mga suki?

Noong nakaraang Lunes, napabalikwas sa kanilang masarap na pagtulog ang mga residente ng Bgy. Sta. Cruz, mismo sa town proper ng bayan ng Angat nang umalingawngaw ang tatlong sunod na putok mula sa kalibre .45 pistol dakong alas-2 ng madaling-araw. Alam nila, lasing na naman si Reyes at habang bitbit ang kanyang baril ay maghahamon ito ng away sa lahat ng dumadaan, anang nakausap ko. Siyempre, walang pumalag ’no. Ang ipinagtataka lang ng taga-Angat, bakit walang miyembro ng pulisya ang gumagawa ng hakbang para maawat itong si Reyes eh nagrereport naman sila. Takot ba ang lokal na pulisya kay Reyes?

Nang magtapos si Reyes sa PMA noong nakaraang taon, halos lahat ng taga-Angat ay nagbunyi dahil sa wakas may isang nilalang silang malalapitan sa oras ng kagipitan, lalo na sa larangan ng peace and order. Ipinagmalaki nila si Reyes at ibinibigay na ehemplo sa kanilang mga anak na dapat tularan. Pero habang patagal nang patagal, mukhang nagkamali ang taga-Angat sa kanilang pananaw kay Reyes. Sa tingin ng nakausap ko hindi pa abot ni Reyes ang problema at perhuwisyo na idinudulot niya sa kanyang mga kababayan. Parami nang parami na sa mga residente ang nagagalit sa kanya. Si Reyes, na galing sa angkan ng mayayamang pamilya sa Angat ay mukhang hindi naturuan ng magandang asal sa PMA. O dili kaya’y napasukan na ng "hangin" ang utak niya, aniya.

Sa ngayon, hinihiling ng taga-Angat kay Defense Secretary Angelo Reyes na dapat dito kay Reyes ay i-assign sa Basilan para magamit na rin lang ng gobyerno ang pagiging "war shock" niya. Doon kahit minu-minuto magpaputok si Reyes ay walang papansin sa kanya. Pirmahan mo na ang order niya Secretary Reyes, Sir.

vuukle comment

ANGAT

ARMED FORCES

DEFENSE SECRETARY ANGELO REYES

GERARD REYES

PHILIPPINE ARMY

PHILIPPINE MILITARY ACADEMY

REYES

SI REYES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with