^

PSN Opinyon

Pagbasa ng mga palatandaan ng panahon

ALAY-DANGAL - Jose C. Blanco S.J. -
KAPAG ang isang magsasaka ay tumitingin sa mga ulap at nakita niyang ito ay madilim, sinasabi niya na nagbabanta nang umulan. Sa mga ulap nababanaag kung ano ang mangyayari. Ang mga ulap ay palatandaan ng panahon.

Nang ang ating Panginoon ay dumating sa mga Judio sa Israel, Siya mismo ay isang palatandaan. Sa pamamagitan ng Kanyang mga sinabi at ginawa, sinasabi Niya sa mga tao na ang mabuting balita ay naririto na. Nagdadala Siya ng kaligtasan sa sangkatauhan.

Subalit hindi naniwala sa Kanya ang mga Judio. Ang hinahanap nila ay isang pampulitikang mesias. Isang tao na magpapalaya sa kanila mula sa pagkaalipin sa mga Romano.

Pakinggan natin si Lukas. (Lk. 12:54-59)

"Sinabi rin ni Jesus sa mga tao, ‘Kapag nakita ninyong makapal ang ulap sa kanluran, sinasabi ninyong uulan at gayon nga ang nangyayari. At kung umihip ang hanging timog ay sinasabi ninyong iinit at nagkakagayon nga. Mga mapagpaimbabaw! Marunong kayong bumasa ng palatandaan sa lupa’t sa langit, bakit hindi ninyo mabasa ang mga tanda ng kasalukuyang panahon?

"Bakit hindi ninyo mapagpasyahan kung alin ang matuwid? Kapag isinakdal ka sa hukuman, makipag-ayos ka sa nagsakdal habang may panahon; baka kaladkarin ka niya sa hukuman, at ibigay ka ng hukom sa tanod, at ibilanggo ka naman nito. Sinasabi ko sa iyo: hindi ka makalalabas doon hangga’t hindi mo nababayaran ang kahuli-hulihang sentimo."


Ang mga Judio’y hindi naniwala kay Jesus. Sa katunayan, siya ay ipinaaresto ng kanilang mga punong saserdote. At siya’y ipinapako nila sa krus. Kayo naman? Ano sa inaakala ninyo si Jesus? Siya ba’y inyong Tagapagligtas? Siya ba ang pinagmumulan ng inyong pag-asa? Naniniwala ba kayo sa mga sinasabi ng Ebanghelyo tungkol sa kanya?

Si Jesus ang palatandaan ng Diyos para sa atin. Nawa’y buksan natin ang ating mga puso’t isipan na tanggapin siya. Siya ang ating Tagapagligtas.

ANO

BAKIT

DIYOS

JUDIO

KAPAG

NAGDADALA SIYA

SI JESUS

SIYA

TAGAPAGLIGTAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with