Mag-asawang nagkahiwalay muling nagkabalikan subalit nagkaproblema
October 20, 2001 | 12:00am
Ang mag-asawang Isidro at Lumeng ay may anim na anak. Sa kanilang pagsasama bilang mag-asawa, nakatipon sila ng milyun-milyong halaga ng ari-arian. Ngunit pagkaraan ng 30 taong pagsasama, naghiwalay sila sa hindi malamang dahilan.
Tumira si Isidro sa Makati at Baguio samantalang tumira naman si Lumeng sa Antipolo. Lumipas ang 23 taon. Nagpasya si Isidro na muling bumalik kay Lumeng. Ito ay matapos siyang magpagamot sa America.
Naging sakitin at humina ang katawan ni Isidro habang nakatira kay Lumeng. Nagsampa si Lumeng ng kaso sa hukuman upang hirangin siya bilang tagapangalaga ng katauhan at ari-arian ni Isidro. Naghinala ang kanilang mga anak na si Lumeng ang may kagagawan ng paghina ni Isidro.
Nang umakyat ng Baguio si Isidro upang dumalo sa pulong ng isang kompanya niya, hindi na siya bumalik kay Lumeng at sa halip ay tumira muli sa Makati.
Kaya nagsampa ng petisyon si Lumeng sa Court of Appeals laban sa kanyang dalawang anak na babae upang ibalik sa kanya ang pangangalaga kay Isidro (habeas corpus). Sinabi ni Lumeng na si Isidro raw (na noon ay 86 anyos na) ay pinipigilan ng kanyang anak na babae na bumalik at sumiping sa kanya. Kaya siya pinagkakaitan ng karapatang makisiping sa asawa.
Sa pagdinig ng kaso, si Isidro mismo ang humarap at sinabing walang pumipigil sa kanya at hindi niya rin binabawalan ang mga asawat anak niya na siyay bisitahin sa Makati. Nakita ng Court of Appeals na malinaw at matuwid pa ang pag-iisip ni Isidro kaya hindi nito iginawad ang petisyon ni Lumeng na ibalik sa kanya ang pangangalaga kay Isidro. Binigyan lang ng Court of Appeals si Lumeng ng karapatang bisitahin si Isidro at sinumang humadlang sa karapatang itoy paparusahan bilang pagsuway sa hukuman. Tama ba ang Court of Appeals?
Tama. Sa hindi paggawad ng habeas corpus na petisyon ni Lumeng na ibalik sa kaya ang pangangalaga kay Isidro. Ngunit mali ang Court of Appeals na bigyan pa ng karapatan si Lumeng na bisitahin ang kanyang asawa.
Wala namang ilegal na pumipigil kay Isidro at nagkakait ng kanyang kalayaan at karapatang pumili ng tirahan kaya tama lang na hindi igawad ang habeas corpus na hiling ni Lumeng.
Ngunit kalabisan na sa kapangyarihan ng Court of Appeals na bigyan si Lumeng ng karapatan bisitahin si Isidro, lalo nat hindi naman ito hiniling ni Lumeng sa kanyang petisyon. Napatunayan mismo ng Court of Appeals na si Isidro ay may malinaw at matuwid na pag-iisip. Kaya may kakayahan siyang pumili ng ibig niyang gawin tulad ng kung sino ang dapat bumisita sa kanya at ang kanyang gustong makausap at makapiling. Na kay Isidro ang kapangyarihang magpasya kung sino ang tatanggapin niya sa kanyang tinitirhan. Hindi maaaring panghimasukan ng hukuman ang karapatan ng mag-asawa tungkol sa kanilang pagsasama at iutos na silay sumiping sa isat isa. Itoy personal sa mag-asawa. (Ilusoria vs. Court of Appeals G.R. No. 139789-139808)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended