^

PSN Opinyon

Ang masunuring chief cook

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -
Nahirang si Merto bilang chief cook ng isang barko. Ang suweldo niya’y $450 bawat buwan sa loob ng 10 buwan. Mayroon din siyang tatlong araw na leave bawa’t buwan at overtime na $185 at ang tagal ng kanyang trabaho ay mga anim na oras isang araw.

Makaraan nang isang buwan may ipinagawa sa kanya ang kapitan ng barko na tungkulin ng chief steward at chief master hindi ng tungkulin niya bilang chief cook. Dahil ito’y may kinalaman sa pagkuwenta ng mga kailangan sa pagkain sa barko, ipinaaalam ni Merto na hindi niya ito kaya sapagkat mahina siya sa math, at ito’y hindi trabaho ng chief cook. Ngunit sinunod pa rin niya ang utos ng kapitan kahit paano.

Tatlong buwan siyang gumagawa ng report ng kuwentang hinihingi ng kapitan. Ngunit nang iutos ng kapitan na baguhin ang mga report na nasumite na niya, nagpaumanhin siyang ipagpaliban ito dahil sa trabaho niya bilang chief cook.

Minasama ito ng kapitan at sinulat sa talaarawan ng barko na si Merto raw ay sumuway sa utos at siya’y dapat sisantehin at pababain na sa susunod na daungan. Bumuo pa umano ng isang lupon upang siya’y imbestigahan at dinggin ang mga reklamo sa kanya.

Minabuti ni Merto at magsawalang kibo na lang kaya siya’y tuluyang tinanggal at pinababa ng barko.

Pagbalik sa Pilipinas, idinemanda ni Merto ng illegal dismissal ang kompanya ng barko. Tama ba si Mamerto?

Tama.
Bukod sa walang sapat na abiso tungkol sa kanyang mga pagkakasala at abiso tungkol sa pagtatanggal sa kanya, illegal din ang pagtanggal kay Mamerto dahil walang makatwirang dahilan.

Ang pagsuway niya sa utos ng kapitan ay hindi sapat upang siya’y tanggalin dahil ang inutos sa kanya’y hindi naman niya tungkulin bilang chief cook. Ang tungkulin niya ay may kinalaman lang sa pagluluto at hindi sa pagkukuwenta ng mga gastos sa pagkain. Sa simula pa, pinaalam na niya na mahina siya sa math at napilitan lang siyang tumupad sa utos. Ang paghinto niya sa pagtupad sa utos ng kapitan ay hindi sapat upang siya’y tanggalin sa trabaho.

Ang pagsuway sa utos upang maging batayan ng pagpapatalsik ay kinakailangang sadya at may kinalaman sa kanyang tungkulin bilang isang chief cook.

Kaya dapat bayaran si Mamerto ng pitong buwang suweldo na nalalabi pa sa kanyang kontrata at attorney’s fee na P10,000. (Legahi vs. NLRC et. al. G.R. 122240 November 18, 1999).

BARKO

CHIEF

KAPITAN

MAMERTO

MERTO

NGUNIT

NIYA

SIYA

TAMA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with