EDITORYAL - Rewards sa mga drug informers
October 11, 2001 | 12:00am
Kasingbagsik ng mga teroristang umatake sa World Trade Center at Pentagon ang mga drug lords at pushers na ngayoy hindi na maitatangging nakakapit na ang mga galamay sa lipunan. Matindi na ang kanilang pagkakakapit at nararapat lamang na mag-isip ng epektibong paraan ang pamahalaan kung paano tuluyang mapupulbos ang mga "salot" na ito. Ngayong tila wala nang mangyayari sa mga isiniwalat nina Angelo Mawanay alyas Ador at Mary Ong alyas Rosebud tungkol sa talamak na droga na kasangkot ang mga matataas na opisyal ng Philippine National Police nasa panganib na ngang maging ikalawang Colombia ang Pilipinas. Kung noon ay mainit na mainit ang isyu tungkol sa droga na ipinapasok ng Hong Kong triad, ngayoy wala na halos malaman ang taumbayan sa isyung ito. Pinag-tulungan kalkalin at pinagtalunan ng mga senador nang may tatlong buwan ang tungkol sa droga subalit nakadidismayang walang naipakitang tagumpay sa pagkalat ng salot ng lipunan. Inaasahan na sa pagkawala ng usok tungkol sa droga, mas magiging mabagsik pa ang mga drug traffickers.
Ngayoy may panibagong ideya ang PNP kung paano mahuhuli ang mga drug pushers at nang maging drug-free country na ang Pilipinas sa 2010. Ito ay ang pagbibigay ng pabuya sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon sa mga drug suspect. Tatanggap ng reward ang informer sa sandaling maging positibo ang operasyon ng mga awtoridad. Makatatanggap ng reward kapag ang inginuso ay naaresto, nasugatan o napatay, nakumpiskahan ng droga, nabuwag ang laboratoryong gawaan ng droga at ganoon din kung makukumpiska ang perang pinagbentahan ng droga. Ang pagkatao ng informer ay mahigpit na itatago ayon sa mga awtoridad at kung kinakailangan, bibigyan sila ng security. Ang ideyang ito ay tinaguriang "Operation Private eye" at pamamahalaan ng National Drug Law Enforcement and Prevention Coordinating Council (DEPC). Kasalukuyan nang inihahanda na ng DEPC ang mga information receipt form (IRF) na ipi-filled up ng sinumang nagnanais na maging drug informers.
Maganda ang naisip na ito ng PNP upang madurog ang mga salot ng lipunan. Ang dapat lamang bantayan ng PNP ay ang mga corrupt na miyembro na maaaring mag-hudas sa operasyong ito. Baka ang kasamahan din nila ang magbagsak at mawalan ito ng silbi. Hindi na kaila na maraming pulis ang kumakalong sa mga drug traffickers. Nararapat na piliin ng PNP ang mga tauhan sa operasyong ito. Hindi rin sana ito ningas kogon gaya ng iba nilang kampanya.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended