^

PSN Opinyon

GMA at Kongreso pinagmukhang tanga ng Valenzuela judge ?

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
Pinagmukhang tanga umano ng isang judge sa Valenzuela City Regional Trial Court si Prez Gloria Arroyo at ang buong Kongreso. Ito ay matapos ibasura ni Judge Floro Alejo, sa pamamagitan ng writ of injunction ang Safeguard Measures Act o Republic Act 8800.

Ang RA 8800 ay isa sa ipinangangalandakan ng gobyerno na batas para raw protektahan ang mga lokal na industriya, kapitalistang Pinoy, manggagawa at mga magsasaka na maaring maapektuhan ng pagdagsa ng mga imported products dahil sa import liberalization at globalization.

Noong si Prez Gloria ay senador pa lamang, siya ang nangunang nagtulak para ibuyangyang ang ating bansa sa globalisasyon. Alam din ni Prez Gloria at Kongreso na baka mamatay ang mga lokal na industriya sa pagdagsa ng mga imported products kaya nagpalabas din sila ng tinatawag na mga safety nets para hindi gaanong masaktan ang mga industriyang Pinoy kapag sila ay lumagpak.

Kasamang ipinalabas ng RA 8800 ang Anti-Dumping Law (RA-8751) at Countervailing Duty Act (RA-8752), matapos ang halos limang taong debate at talsikan ng laway.

Noong Sept. 4, limang araw bago dinurog ng mga terorista ang World Trade Center (WTC), nagpalabas ng desisyon si Judge Alejo na ‘‘unconstitutional’’ ang RA 8800. Ibig sabihin, sanrekwang ignoramus sa Saligang Batas ang mga senador at kongresista na nagpasa nito.

Napakabigat ng implikasyon ng desisyon ni Judge Floro. Dahil dito, wala nang makapipigil sa pagdagsa ng mga imported products, kahit magkandamatay ang mga lokal na industriya at agrikultura. Kahit na mawalan ng ho-traba at ikabubuhay ang daan-daang libong manggagawa at magsasaka.

Sa nangyari sa US, kasamang natabunan sa guho ng WTC ang atensyon na dapat ituon sa eksplosibong desisyon ng naturang hukom. Kapag hindi ito napigilan, sasabog ito at tiyak na durog ang buong ekonomiya ng Pilipinas.

Papaano nagpalabas ng ganitong desisyon ang kagalang-galang na hukom? Ang injunction ay hiningi raw ng isang negosyanteng Intsik na umano’y may suporta sa isang dambuhalang kompanya sa Taiwan. Nais ng negosyanteng ito na wasakin ang mga depensa ng mga lokal na industriya sa pagpasok ng mga import. Ginawa nila ito para malayang makapasok ang kanilang produktong semento, bakal, tiles etcetera.

Dahil sa walang pakundangang importasyon, dumami ang mga namamatay na local industry. Naghihingalo na ang industriya ng bakal, sapatos, asukal, semento, tiles, baterya, mais, etcetera.

‘‘Lethal injection ba ang desisyon ni Judge para sa mga manggagawa at magsasakang Pinoy?’’ tanong ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘‘Tila nga. Pero ba’t hindi kumikibo sina Prez Gloria at Kongreso?’’ tanong ng kuwagong Kotong cop.

‘‘Mas importante sa kanila na pumapel sa paghahanap kay Osama bin Laden kaysa tugisin ang mga teroristang negosyante na bumibiktima sa ating ekonomiya,’’ sagot ng kuwagong sepulturero.

ANTI-DUMPING LAW

COUNTERVAILING DUTY ACT

DAHIL

JUDGE ALEJO

JUDGE FLORO

JUDGE FLORO ALEJO

KONGRESO

PINOY

PREZ GLORIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with