^

PSN Opinyon

Mga problemang haharapin ng Amerika

KAPAG MAY KATWIRAN - KAPAG MAY KATWIRAN ni Jopet Sison -
Ang atake ng Amerika sa mga terorista ay inaabangan ng buong mundo na may halong takot at pangamba. Kung bobombahin ng Amerika ang Afghanistan, maraming kumplikasyon. Unang-una, hindi naman kailangang parusahan ang buong Afghanistan dahil isang grupo lang ng terorista ang kailangang dalhin sa hustisya. Dahil sa posisyon ng Afghanistan na land-locked, mahirap atakehin basta-basta. Malaking military resources ang kakailanganin para ma-sustain ang atake. At kailangan ding pag-aralang mabuti ang alyansa sa Amerika ng mga karatig bansa ng Afghanistan tulad ng Pakistan at Iran na mga bansang Muslim din.

Maingat ang Amerika sa mga deklarasyon upang hindi maituring na religious war ang sitwasyon. Halos ganito rin ang nangyari sa Pilipinas noong nagdeklara ang gobyerno ng giyera laban sa Abu Sayyaf. Ang interpretasyon ng marami sa hakbanging ito ay isang paglaban daw sa Muslim. Kailangang ipagdiinan na ang inuusig ng Amerika ay ang mga terorista. Hindi ito usapin ng relihiyon kundi usapin ng hustisya. Sa ganitong paraan din nila mapapanatili ang loyalty ng bansang Pakistan, Iran at Saudi Arabia.

Ang pinakamahirap na laban ng Amerika ay ang paglikom ng mga bata ni Bin Laden na nakakalat na rin sa iba’t ibang parte ng mundo. Dahil terorismo ang kalaban, ito ay patraidor umatake at mga inosente ang biktima. Sa ganitong sitwasyon, kailangan ang mapagmatyag at tulong ng buong komunidad ng mga bansang kaalyansa ng Amerika upang masugpo ang mga terorista sa kani-kanilang lugar.

ABU SAYYAF

AMERIKA

BIN LADEN

DAHIL

KAILANGANG

MAINGAT

MALAKING

PILIPINAS

SAUDI ARABIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with