EDITORYAL - Malambot ang batas sa mga drug traffickers
September 28, 2001 | 12:00am
Maaaring pinagtatawanan lamang ng mga salot na drug traffickers ang mga isiniwalat nina Mary Ong alyas Rosebud at Angelo Mawanay alyas Ador. Kahit na nabungkal na ang baho ng Philippine National Police kaugnay ng pagkakasangkot ng mga heneral sa Hong Kong triad ay hindi rin sila mapigil sa paggawa ng kabuktutan. Kaya magpahanggang ngayon, patuloy pa rin ang pagdagsa ng shabu rito.
Isa sa mga dahilan kung bakit hindi natatakot ang mga drug traffickers na mahuli ng mga alagad ng batas ay sapagkat alam nilang hindi naman sila mahahatulan ng bitay. Mula nang ibalik ang parusang kamatayan, wala ni isa mang drug trafficker o pusher ang naisalang sa bibitayan. Meron sanang mabibitay na trafficker subalit pinatawad pa ni dating President Estrada. Ang pangyayari ay nagpapakita lamang na malambot ang batas kapag tungkol sa drug trafficking na ang pinag-uusapan. Sa ilalim ng batas ang sinumang mahulihan ng 200 gramo ng shabu ay may katapat na parusang kamatayan. Pero masakit isiping hindi nangyayari ito. Nakadidismaya!
Isang magandang halimbawa ay ang kontrobersiyal na kaso ng drug queen na si Yu Yuk Lai . Si Yu, 55-anyos, isang Chinese ay nahatulan lamang ng habambuhay na pagkabilanggo ni Judge Teresa Soriaso ng Manila Regional Trial Court Branch 27. Ibinaba ang hatol noong Martes. Tatlong kilo ng shabu ang nahuli kay Yu at sa pamangkin nitong si William Sy noong November 7, 1998. Naaresto ang dalawa sa parking lot ng isang hotel. Kontrobersiyal ang kaso ni Yu sapagkat sinubukan itong lakarin ni former appellate court Justice Demetrio Demetria at sports patron Go Teng Kok. Nasibak si Demetria dahil dito.
Ngayoy habambuhay lamang ang hatol sa kanya sa halip na kamatayan. Kung noon ay nagawa ni Yu na makalabas sa kulungan at makapagsugal maaari uli niya itong magawa. Maaari siyang makahanap muli ng mga opisyal na kakanlong sa kanya. Ganito kadali para sa mga drug traffickers na makalusot sa kanilang kaso. Tatapalan lamang ng pera at ayos na. Kaya hindi sila takot na mahuli rito sa Pilipinas.
Kahit na mahalukay ng Senado ang tungkol sa drug trafficking na kinasasangkutan ng mga opisyal ng PNP, hindi pa rin nakatitiyak na durog na ang mga salot. Paano ang mga huwes na ang hatol sa mga drug traffickers ay kaduda-duda? Paano kung laging may kakanlong sa kanila? Mahirap madurog sa panahong ito na marami ang mga buwaya.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest