Hati-hating pananagutan
September 25, 2001 | 12:00am
Siyam na empleyado na pinangungunahan nina Diego at Gina ang nagsampa ng reklamo sa Department of Labor upang bayaran ang kanilang separation pay at suweldong hindi nabayaran. Idinemanda nila ang dalawang korporasyon (FCM at IMD), pati na sina Mr. Geronimo, Ms. Santos, Mr. Gan at Mr. Chua na mga may-ari nito.
Matapos ang tatlong taong paglilitis, iginawad ng Labor ang kahilingan nina Diego at Gina at pinagbayad ang anim na inihabla ng P138,588.31.
Hindi umapila ang anim na inihabla kaya naging pinal ang desisyon. Nang ipinatutupad ito ng sheriff, tatlo lang sa inihabla ang kanyang tinukoy: Ang FCM at/o kaya ang IMD at/o kaya si Mr. Geronimo. Siningil muna ang IMD sa kabuuan ng P138,000. Tumanggi ang IMD. Sabi nito, ayon sa desisyon, ang pananagutan daw nilang anim na inihabla ay hati-hati at hindi isahan kaya ang dapat nilang bayaran ay P23,198.05 lang o 1/6 ng buong halaga. Tama ba ang IMD?
Tama. Sa isahang pananagutan ang bawat inihabla ay mananagot sa buong pagkakautang. Sa hating pananagutan, ang bawat inihabla ay mananagot lang sa kanyang parte. May isahang (solidary) pananagutan lamang kung itoy tiyak at malinaw na nakasaad sa desisyon, o kung itoy ipinag-uutos ng batas o kung itoy likas sa obligasyon. Sa kasong ito, hindi naman sinabi ng desisyon na ang pananagutan ay isahan. Kaya ang buong halaga ng desisyon ay hindi maaaring ipabayad sa isa lang sa inihabla. Lahat ng inihabla ay dapat maghati-hati. (Industrial Management Development Corporation vs. NLRC et. al. G.R. No. 101773 May 11, 2000).

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended