Papayag kaya ang hepe ng WPD na suwagin ng isang S
September 10, 2001 | 12:00am
Mukhang gumigiwang-giwang na ang no take policy na pinaiiral ni Senior Supt. Nicolas Pasinos, hepe ng Western Police District (WPD) laban sa pasugalan at iba pang mga ilegal sa Kamaynilaan. Tatlong linggo pa lamang ang naturang programa ni Pasinos at hetot may mga kalalakihan ng gumagamit sa pangalan niya para mangolekta ng lingguhang intelihensiya sa mga pasugalan at putahan.
Pang-operation lang ni DD (district director), yan ang bukambibig nitong sina Val Samia ng District Police Intelligence Unit (DPIU), Jorge Urdaneta at Ver Manalang, ayon sa aking espiya. Kinokolektahan lang nila ang mga sa tingin nila ay kakampi nila na hindi na pipiyok. Sinabi ng aking espiya na kaya naman pala nagdeklara ng no take policy itong si Pasinos dahil sa hinalang binukulan siya ng husto ni SPO1 Rene de Jesus, ang kolektor niya.
Sa pagkaalam ng aking espiya, tumataginting na P270,000 kada linggo ang iniabot ni De Jesus na lingguhang intelihensiya. Ewan ko ba kung ano merong magic itong si Ed Morata at ang naturang halaga ay naging P90,000 na lamang. Sa ngayon, hinahanting ni De Jesus si Morata. Pinipilit din niyang makipagkita kay Pasinos para pasinungalingan ang balitang binubukulan niya ito. Pero kung susumahin naman, aabot sa kalahating milyon ang koleksiyon ni De Jesus kada linggo sa 21 butas na dala niya kayat palaging tulala ang mga gambling lords at operators ng ilegal kapag kausap siya.
Sinibak ni Pasinos si De Jesus sabay utos ng no take policy para nga matantiya niya kung siya nga ay binubukulan nito. Sa ngayon ay wala pang kasagutan itong aking katanungan pero sa tingin ko malapit ng magkaliwanagan sila dahil nga sa pag-iikot nina Samia, Urdaneta at Manalang. Pero, sinabi ng aking espiya na mukhang lumalaban itong si De Jesus. Ginagamit niya ang R2 o intelligence ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) at Regional Mobile Group (RMG) para manghuli naman sa Maynila para magulo ang tabakuhan. He-he-he!
Papayag kaya si Pasinos na sa ilalim ng liderato niya ay susuwagin siya ng SPO1 lamang? Kahit may konting semplang naman itong si Pasinos, dapat din naman siguro siyang papurihan dahil sa kampanya niya laban sa video karera. Nais kong iparating kay Mayor Lito Atienza na tagumpay ang kampanya ng kanyang pulisya laban sa mga makina ni Boboy Go, ang hari ng VK sa Maynila. Hindi na mabilang ang makina na winasak ng kapulisan ni Atienza at kung ako ang tatanungin isang magandang halimbawa ito at ang ginagawa ni Pasay City Mayor Peewee Trinidad para masugpo na ang bisyong ito na gumigiba naman ng kinabukasan ng ating kabataan.
Pero may tip ako kay Mayor Atienza. Maraming mga datihang miyembro ng City Hall detachment ang patuloy na tumatanggap kay Go at sa kanyang mga alipores kayat wala silang aksiyon laban dito. Kaya dapat siguro Mayor Atienza ay pagsisibakin mo sila para mawala ang kanilang unholy alliance.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest