Bong Pineda nasa likod ng suspension ng 2 taga-diy
August 31, 2001 | 12:00am
Lumalakas ang balita na si Bong Pineda, ang jueteng king ng Central Luzon at kumpare ni President Gloria Macapagal-Arroyo ang nasa likod ng pagkasuspinde ng dalawa kong kasamahan sa hanapbuhay na taga-Muntinlupa City. Hindi lang sa siyudad ni Mayor Jaime Fresnedi ng Muntinlupa City tumutunog ang balitang ito kundi maging sa Port Area, Manila kung saan nakabase ang diyaryo ng dalawa kong kasamahan sa hanapbuhay.
Ayon sa aking espiya, hindi nagustuhan ni Pineda ang inaasta ng dalawa dahil naapektuhan ang pa-jueteng niya sa Muntinlupa City kayat minaniobra niya ang pag suspinde sa kanila. Siguro nakangisi sa ngayon itong si Pineda dahil nagtagumpay ang sistema niya at nawala ang sa tingin niya ay mga tinik sa kanyang lalamunan. Alam naman ng lahat na bagyo itong si Pineda sa pulisya natin. At lalong lumakas ang kapit niya nang maupo si GMA sa trono. Eh sino pa ang makapipigil sa kamandag ni Pineda kung sobra ang lakas niya kay GMA at kay Philippine National Police (PNP) Chief Dir. Gen. Leandro Mendoza? May P8 milyon na dahilan kaya?
Sa ngayon, patuloy ang jueteng ni Pineda at Tony Santos ng Marikina City sa Muntinlupa. Gerilya lang nga ang operasyon subalit hindi naman kumikilos si Supt. Rolando Navarro, hepe ng pulisya ng siyudad at ang kanyang intelligence officer na si Insp. Eladio Tagle para mapatigil ito. Kumukubra ang mga bataan nina Sebastian Soriano, alias Boy Cris ng Putatan; Nanette Austria alyas Tisay ng Poblacion, at Bonifacio Sibayan alyas Boni ng Alabang-Bayanan at sa Barangay San Antonio, San Pedro, Laguna nila binobola ang jueteng.
Siguradong isisigaw ni Navarro na hindi totoo ang balitang ito. Palagi kasing nauuna ang putak niya imbes na mag-imbestiga muna at paghuhulihin ang sa tingin niya ay nanloloko sa kanya. Kung sabagay bata ni Santos itong intelligence officer ni Navarro na si Tagle, ayon sa nakausap kong taga-National Capital Regional Police Office (NCRPO). Pero dahil wala na ngang trabaho itong dalawa kong kasamahan sa hanapbuhay, eh di malaya ng magawa ni Pineda at Santos ang kanilang balak na solohin ang jueteng sa Muntinlupa.
Sa ngayon pa lang masasabi kong nagtagumpay sila dahil tumiklop ang mga kalaban nila. Eh sino pa ang tatayo laban kina Pineda at Santos sa sitwasyon ngayon? Takot ang lahat ng peryodista na kalabanin sila at baka may kontak itong sina Pineda at Santos sa loob ng opisina nila at kalaboso rin ang aabutin nila.
Kawawa naman ang dalawa kong kasamahan na ginawang sample ni Pineda para hindi maperhuwisyo ang kanyang ilegal na negosyo? Para naman hindi siya mapagsuspetsahan, ang ginawang sangkalan ni Pineda ay ang affidavit na isinumite ni Navarro sa management ng diyaryo na na-sequester ng gobyerno ni GMA.Ibig kaya nitong sabihin ay may kakutsaba si Pineda sa management ng diyaryo? Yan ang tanong ng mga suki ko.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest