^

PSN Opinyon

Pahabol sa Agosto: Buwan ng Wika

SAPOL - Jarius Bondoc -
Agosto ay Buwan ng Pambansang Wika, buwan ng papuri sa wika natin.

May puna na mahahaba raw masyado ang mga katagang Pilipino, kaysa Ingles. Halimbawa ang salitang hen o nanay ng sisiw. Sa Filipino, inahen. Ina na, hen pa, tuya sila. Sayang daw ang oras, hininga at laway sa pagbigkas. Sagot ko naman, e ano kung mahaba? May salitang Filipino naman na wala sa Ingles. Halimbawa, alak-alakan. O di ba, walang salin ’yan sa English dictionary? Ang pinakamalapit na translation. Back of the knee. E di mas mahaba, mas maraming sayang na tinta’t papel.

At miski mas mahaba ang Filipino, mas onomatopoetic (ngek, wala yata niyan sa Pinoy) naman kaya Ingles. Ibig sabihin, mas kumikiliti sa imahinasyon habang binibigkas o binabasa. Halimbawa ang pagkahaba-habang naka-tiwangwang. Ipang-uri mo ang salita sa isang magandang dalaga, at tatakbo sa isip mo na hinihintay ka niyang… hindi na bale, bastos e. At ’yung baku-baku at ukab-ukab, hindi matatalo ng Ingles. ’Yung una ibig sabihin maraming humps; ’yung ikalawa, maraming ruts. Pero mas malinaw ang imahe sa utak nu’ng Filipino, di ba?

Filipino ang Wikang Pambansa. Halaw ito saTagalog at iba pang mga wika sa Pilipinas, tulad ng Ilokano, Pangasinan, Zambal, Bikolano, Ilonggo, Waray, Bisaya, Maguindanao, Maranao, Tausug, Samal, Kiniray-a, Cuyunin –mahigit 70 lahat – at humiram din sa English at Español. Ito rin ang lingua franca, pinakalaganap na wika, sa Kamaynilaan. Ang tawag ng iba, Taglish, dahil karamihan ng salita ay halaw o hiram saTagalog at English. Pero may mga salitang Ilokano sa wikang Filipino, tulad ng nakirmet (kuripot); o Pangasinan at Bisaya rin, tulad ng kuno (kunwari); o Kapampangan, tulad ng sisig (pulutang pisngi ng baboy).

Masigla ang Filipino. Galing kasi sa iba’t ibang salita ng mga Pinoy na buhat naman sa iba’t ibang tribu at dugo. Parang daddy ko na tubong Pampanga at mommy ko na laking Español sa Cavite. Ako naman, Manila-boy. Kaya halo-halo ang salita ko. Sabi ko nga, ven aqui todits saguli (halika dito sandali). O di ba, mas kuwela pa ang Filipino?
* * *
Lumiham sa Pilipino Star NGAYON o sa [email protected]

BISAYA

ESPA

FILIPINO

HALIMBAWA

ILOKANO

MAS

PAMBANSANG WIKA

PANGASINAN

PERO

PILIPINO STAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with