^

PSN Opinyon

Mga dapat malaman sa prostate cancer

WHAT'S UP DOC - Dr. Tranquilino Elicaño Jr. -
Ang prostate cancer ay isa sa mga sakit na karaniwang tumatama sa mga kalalakihang Pilipino ngayon. Sa kabila nito, marami pa rin ang hindi lubusang nakaaalam kung ano ang prostate cancer.

Ano ba ang prostate? Ang prostate ay isang glandula. Sa mga kalalakihang nagkakaedad, ang prostate ay singlaki ng itlog ng manok. Makikita ito sa ilalim ng urinary bladder. Ang function nito ay mag-produce ng bahagi ng semelya (semen).

Kailan ba nagkakaroon ng prostate cancer? Ang prostate cancer ay karaniwang tumatama sa mga lalaking ang edad ay mahigit 50. Hanggang sa kasalukuyan, ang dahilan ng prostate cancer ay hindi pa malaman. Tumatama ito sa mga kalalakihang marami nang naka-sex, may history ng sexually transmitted diseases, sa ang diet ay kinapapalooban ng karne na may mataas na fat at doon sa mga ang trabaho’y sobra ang exposure sa cadmium.

Paano ba malalaman ng lalaki kung mayroon na siyang prostate cancer? Hindi agad nalalaman kung mayroon nang prostate cancer dahil wala itong sintomas sa simula. Hanggang sa makaranas ng mga sumusunod: madalas na pag-ihi hanggang sa maging mabagal ang tulo ng ihi na may kasamang dugo.

May mga paraan ang doktor kung paano malalaman kung mayroong prostate cancer. Magsasagawa ng rectal exam ang doktor sa pasyente. Sa rectal exam, ipapasok ng doktor ang daliring may glove sa rectum upang madama ang gland kung ito ay matigas o lumalaki.

Ang iba pang examinations na maaaring isagawa ay ang diagnostic ultrasound, computerized Tomography scans, Magnetic Resonance Imaging at ang Nuclear medicine bone scan.

Ang prostate cancer ay ginagamot sa pamamagitan ng pag-aalis sa prostate gland kung ito ay nasa early stages pa lamang. Ang radiation therapy at ang radiation implant ay maaari ring isagawa. Ang hormone treatment at ang cryotherapy (freezing ng cancer cells) ay matagumpay din sa pangangalaga sa prostate cancer.

Ang tinatawag na castration o pag-alis sa mga bayag ay maaari ring isagawa depende sa kung gaano na kumakalat ang cancer. Ang pagbibiay ng female hormones, anti-hormones (anti-androgens) at ang chemotherapy ay maaari ring isagawa.

May mga kumplikasyon pagkaraan ng paggamot sa prostate cancer. Ilan dito ang kawalan ng kakayahan sa pagkontrol sa pag-ihi, kawalan ng kakayahang makipagtalik, rectal symptoms at ang kapinsalaan sa sperm cells depende sa isinagawang treatment.

May mga medicines na available sa ating bansa subalit may kamahalan ang mga ito. Ang ilan sa mga ito ay ang Fugerel, Honvan, Zoladex at Androcur. May side-effects ang mga ito kaya nararapat kumunsulta muna sa doktor bago gamitin.

Ang prostate cancer ay maaaring malunasan kung ito ay made-detect nang maaga at dagliang gagamutin. Hindi dapat mag-urung-sulong ang mga kalalakihang may prostate cancer, agad kayong kumunsulta sa doktor.

ANDROCUR

ANO

CANCER

FUGEREL

HANGGANG

KUNG

MAGNETIC RESONANCE IMAGING

PROSTATE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with