EDITORYAL - Tapusin ang kuwento
August 3, 2001 | 12:00am
Kapana-panabik ang "ikinuwento" ni dating correspondence secretary Veronica "Bing" Rodrigo. At hindi basta-basta "kuwento" ang kanyang inilahad ang tungkol sa umanoy P50 milyong suhol na tinanggap ni First Gentleman Jose Miguel Arroyo sa dalawang telecommunications firms kapalit nang withdrawal ng presidential vetoes para makakuha ang mga ito ng prankisa. Kumalat na parang apoy ang mga ibinulgar ni Rodrigo. Mainit na mainit. Eksaktung-eksakto ang kanyang pagbubulgar sa katatapos na State of the Nation Address (SONA) ni President Gloria Macapagal-Arroyo noong July 23.
Nagpainterbyu pa si Rodrigo sa isang radio station at tahasang sinabi ang tungkol sa kanyang mga ibinulgar sa First Gentleman. Matatalim ang mga binitawang pananalita ni Rodrigo tungkol sa First Gentleman na lalo lamang nagpatuliro sa taumbayan. Anim na buwan pa lamang si GMA sa puwesto subalit may umusbong nang paratang ng anomalya sa kanyang asawa. Taliwas kung iisipin sa mga sinabi sa kanyang SONA na dudurugin ang katiwalian sa ilalim ng kanyang pamumuno.
Ang sunog na nilikha ni Rodrigo ang nagpaalma sa oposisyon para magkaroon ng imbestigasyon sa anomalya. Gigisahin umano ang First Gentleman upang malaman ang katotohanan. Payag naman si GMA subalit hindi rin maitago ang kanyang "pagkainis" dahil nakukulitan siya sa mga katanungang may kaugnayan sa anomalyang kinasangkutan ng kanyang asawa. Ang pasya ni GMA ay ikinatuwa naman ng taumbayan na nag-aabang sa kalalabasan ng pinasabog ni Rodrigo.
Subalit ang sinimulang kuwento ni Rodrigo ay malamang na hindi na matapos. Nakabitin sa hangin at malamang na ang wakas ay hindi na masumpungan nang nakangangang mamamayan. Kamakalawa ay nilinaw ni Rodrigo ang kanyang mga sinabi. Wala umano siyang personal na nalalaman sa suhulan at inulit lamang ang sinabi ni Department of Transportation and Communications (DOTC) consultant Malou Nuñez.
Mula sa pagkatuliro ay ang pagtataka naman ang sumasakmal sa mamamayan dahil sa pabagu-bagong kuwento ni Rodrigo. Ngayon ay tila ayaw na niyang humarap sa imbestigasyon at ayaw magbigay ng pahayag tungkol sa kanyang pinasabog.
Makabubuti kung haharap si Rodrigo sa imbestigasyon at tatapusin ang karugtong ng kanyang kuwento para malaman ng mamamayan ang buong katotohanan. Kapag hindi niya ito gagawin nakalambong ang maitim na ulap sa Arroyo administration. Kung may nalalaman siya dapat niya itong sabihin para hindi maiwang nakanganga ang mamamayan at maiwasan ang pag-aalinlangan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended