^

PSN Opinyon

Fistula

WHAT'S UP DOC? - Dr. Tranquilino Elicaño Jr. -
Kakaunti pa lamang siguro ang nakaaalam tungkol sa fistula. Wala akong alam na eksaktong translation sa Tagalog ng fistula. Maski sa pagbibigay ng kahulugan dito ay may kahirapang ipaliwanag. Fistula is a channel or connection between an organ or similar natural cavity and the surface, or between two organs or cavities where no such connection should exist.

Maraming uri ng fistula subalit ang pinaka-karaniwan ay ang anorectal na ang connection ay sa anal canal patungo sa skin. Kasunod ng pagkakaroon ng anorectal ay ang abscesses at discharge.

Ang ikalawang uri ay ang urinary fistula. Ito ay maaaring maging dahilan ng urinary tract infection at magkaroon ng connect sa skin o maaaring kahit saan; maaaring sa uterus, vagina, small intestine or abdominal wall. Kadalasang mga babaing nagkaroon ng injury sa panganganak ang nagkakaroon ng urinary fistula.

Ang ikatlo ay ang salivary fistula. Ito ay maaaring maging dahilan upang ang saliva (laway) ay dumaloy sa pisngi sa halip na sa bibig. Blockage of the salivary duct may lead to a salivary fistula.

Ang ikaapat ay ang arteriovenous fistula na maaaring maging dahilan ng arterial o venous insufficiency at madarama ang warm mass sa bahaging iyon.

Sa lahat ng mga kaso ng fistula, ang operasyon (surgery) ang kinakailangan. Gayunman, sa kaso ng anorectal fistula, ito ay may kahirapan lalo na kung ito ay matagal nang nagpapahirap sa pasyente. Sa pamamagitan ng operation maibabalik ang natural connection. May katagalan lamang itong gumaling at kumplikado lalo na sa pagdaan ng dumi.

Maraming dahilan sa pagkakaroon ng fistula. Maaring ito ay congenital subalit mas marami ang nagkakaroon nito dahil sa injury o pagkakasakit.

Fistulas in infants are usually due to birth defects. They are more common in people Crohn’ disease (chronic inflammation of the intestinal wall) and tuberculosis.

Ang doktor na magsasagawa ng operation (fistulalotomy) ay nararapat na maging maingat dahil kapag sumubra ang na-cut na sphincter, ang pasyente ay magkakaroon ng difficulty sa kanyang pagdumi. Hindi dapat magsagawa ng operation ang doktor kung ang pasyente ay may diarrhea, active ulcerative colitis o active Chron’s disease dahil matatagalan itong gumaling.

CROHN

FISTULA

GAYUNMAN

KADALASANG

KAKAUNTI

KASUNOD

MARAMING

MASKI

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with