^

PSN Opinyon

Prayer Power

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
Tungkol pa rin ang pitak natin sa problemang pinansyal ng National Press Club (NPC).

Sa maraming taon, hindi na nahango ang NPC sa suliraning ito porke ito’y isang non-profit, non-stock organization na umaasa lamang sa mga donasyon mula sa mga politiko, malalaking pribadong korporasyon, mga pilantropo at iba pang may kaya na nagmamalasakit sa club.

Bilang isang social club, mayroon din itong bar and restaurant (na pansamantalang isinara) na siyang lugar na pinupuntahan ng mga mamamahayag sa pahayagan, radyo at telebisyon para makapag-relax matapos ang maghapong pagtatrabaho. Kumikita rin ng kaunti ang NPC mula sa membership fee ng mga miyembro na napakaliit (P160 bawat taon).

Gaya nang nasabi ko na sa nakalipas na kolum, nagdesisyon ang pamunuan ng club na isara muna ang bar and restaurant dahil hinahatak na ng sheriff ng National Labor Relations Commission (NLRC) ang mga kasangkapan nito para ipuno sa halagang P9.5 milyon na hinahabol ng mga empleyado bilang backwages.

Nag-ugat ang problema sa mga nakaraang administrasyon ng NPC na pumasok sa collective bargaining agreement sa unyon ng club at umaproba sa mga pribilehiyo na hindi naman pala kayang tugunan ng management.

Ang masakit para sa bagong pamunuan sa pangunguna ni Louie Logarta (pangulo) at ng inyong lingkod bilang pangalawang pangulo ay nalingid sa aming kaalaman ang labor problem na ito.

Naging direktor kami ng board sa nakalipas na taon ngunit hindi nabanggit ni minsan sa pagpupulong namin ang problemang ito. Hindi ko alam kung bakit.

Kaya isang sorpresa sa aming lahat nang sa pag-upo nami’y biglang bumulaga ang problemang ito kasama na ang final and executory ruling ng NLRC na pabor sa mga kawani.

Bunga na rin ng mga nakalipas na mismanagement sa NPC, ang bar and restaurant ay nalulugi ng itinatayang P5,000 kada araw o P150,000 isambuwan!

Kaya double purpose ang pansamantalang pagsasara nito: Pipigilin ang patuloy na seizure sa aming mga ari-arian habang nag-iisip ang management ng paraan para makalikom na pondong lulutas sa problema; at makapagpaplano kami ng epektibong paraan ng pangangasiwa sa bar and restaurant.

Tuwi na lamang makararanas ng ganitong problema ang NPC, ang unang iniisip ng mga opisyal ng club ay dumulog sa mga politiko o instutusyong makatutulong sa pangangailangang pinansyal. Isa na lang ang hindi nilalapitan: Ang Panginoong Diyos.

Nagpapasalamat ako sa 700 Club, CBN Asia na nagpadala ng mga prayer warriors sa NPC noong Sabado. Nagsagawa kami ng prayer and fasting mula 8:00 ng umaga hanggang 3:00 ng hapon upang ilapit ang problema ng club sa Diyos na siya lamang makapagbibigay ng pangmatagalang solusyon sa malaon nang suliranin ng NPC.

Ngayon pa lang, I can see something wonderful happening at the NPC. Kapag Diyos ang kumilos walang dahilan upang mabigo sa ano mang mabuting layon.

ANG PANGINOONG DIYOS

CLUB

KAPAG DIYOS

KAYA

LOUIE LOGARTA

NPC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with