^

PSN Opinyon

Ang talinghagga ng balon sa barko

DOON PO SA NAYON - DOON PO SA NAYON ni Sen.Juan M. Flavier -
Hindi maipaliwanag ng magsasaka kung bakit siya takot na takot na sumakay sa barko. Nagtataka tuloy ang kanyang mga kakilala at kaibigan.

‘‘Bakit ka ba takot sumakay sa barko? Masarap namang sumakay doon. May galaw dahil sa alon pero bahagya lamang," tanong ng kanyang pinsan.

‘‘Dahil siguro sa nababasa kong mga sakuna,’’ sagot ng magsasaka.

Isang araw ay napilitang sumakay sa barko ang magsasaka dahil namatay ang isang tiyo. Ayaw ilibing ang bangkay hanggang hindi dumarating ang magsasaka.

Ipinagsama ng magsasaka ang kanyang asawa. Noon din lamang nakasakay ng barko ang asawa.

Hindi malalaki ang alon kaya mahina lamang ang pag-uga ng barko. Gayunma’y nalula pa rin ang magsasaka kaya lagi na lamang itong nakahiga. Lagi nitong inuutusan ang asawa para kumuha ng tubig dahil laging nauuhaw.

Masunurin naman ang asawa sa pagkuha ng tubig subalit matagal ito bago makabalik. May limang minuto bago bumalik na dala ang isang baso ng tubig.

Ilang beses pang naulit ang pagkuha ng tubig ng asawa. At sa bawat pagkakataon ay bumabalik sa loob ng limang minuto. Isang hatinggabi ay nauhaw na naman ang magsasaka at nakiusap uli sa asawa na kumuha ng tubig.

Hindi gaya nang unang pagkuha ng tubig, ngayon ay kalahating oras na ay wala pa ang asawa.

Sa wakas ay dumating din ito na dala ang isang basong tubig. Inis na tinanong ng magsasaka ang asawa. ‘‘Bakit ang tagal mo?’’

"Kasi, may nakaupong tao sa balon. Hinintay ko pang tumayo bago ako makaigib ng tubig mo.’’

(Sa kubeta pala kumukuha ng tubig ang asawa).

ASAWA

AYAW

BAKIT

DAHIL

GAYUNMA

HININTAY

ILANG

ISANG

MAGSASAKA

TUBIG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with