WPD: 'Manila's Kotonggest'
July 13, 2001 | 12:00am
Naging inutil na ang pamunuan ni Western Police District Director Sr. Supt. Nicolas Pacinos at Manila Mayor Lito Atienza na masugpo ang Agaw-Cellphone Gang sa Maynila. Hindi pa rin mabuwag ang mga salaming tindahan sa kahabaan ng Claro M. Recto sa Sta. Cruz, Maynila partikular na sa Aranque Market.
Ang mga nakapuwestong maliit na tindahan sa naturang lugar ang bumibili sa Agaw Cellphone Gang ng mga inaagaw nilang cellphone sa mga estudyante sa ibat ibang lugar sa Maynila.
Mukha yatang may nasa likod ng sindikato ng Agaw-Cellphone Gang na ilang mataas na opisyal ng lokal na pamahalaan ng Maynila at Western Police District (WPD) kaya hindi masugpo ang panghoholdap at pang-aagaw ng cellphone. Ang masamang gawaing ito ang numero unong krimen lumalaganap ngayon sa Metro Manila.
Bukod sa krimeng ito, marami pa ring ibang krimen dito sa Maynila na ang sangkot din ay ang mga pulis. Magmatyag kayo sa Kaypee Tower na nasa Juan Luna St. at Recto Avenue. Ang tower na ito ang tirahan ng mga negosyanteng Intsik na patuloy na kinokotongan ng mga pulis-Maynila na nakatalaga sa WPD Station 11 at Manila City Hall Detachment.
Kapag daw nagsisibabaan na ang mga trader na Intsik, nakahilera na ang mga hinayupak na pulis-Maynila sakay ng kanilang owner type jeep na walang plaka upang manghingi ng ano pa? Pera!
Dahil sa takot na pestihin ng mga hinayupak na pulis-Maynila sapilitang nagbibigay ang mga Intsik araw-araw.
Hindi dapat ikapit sa WPD ang Manilas Finest kundi Manilas Kotongest dahil sa tanyag sa kotongan ang mga ito.
Siguradong pabubulaanan na naman ito ng kanilang mga opisyal sapagkat pawang nabulag na rin ng kanilang mga tauhan dahil sa pera.
Dito naman sa Premier Sauna Spa sa Tomas Mapua St., Ongpin, Maynila, ito ang kuta ng mga kababaihang "pokpok".
May impormasyong nakalap ang column na ito na bukod sa pagiging hotel ang negosyo ng may-ari ay doon pa isinasagawa ang masahe kuno bago "pokpokan". May kumakalat pang balita na pawang mga pulis-Maynila ang parukyano at protektor nito.
Bulag at inutil ang pamunuan ng WPD sa ganitong gawain dahil sa may nakatapal na pera sa kanilang dalawang mata mula sa may-ari ng naturang establisimiyento.
Dito na lamang sa pagbaba ng McArthur Bridge patungong Plaza Fair, Sta. Cruz ay hindi kumikilos ang traffic. Inutil ang mga police at MMDA enforcer dito. Mas matindi sa harapan ng Manila City Hall. Naghambalang ang mga dyipni na nag-aabang ng pasahero.
Kaya dapat na gumawa na ng resolusyon ang konseho ng Manila na palitan na ang katagang Manilas Finest ng Manilas Kotongest o kaya naman Manilas Executioner police dahil kontrobersyal sa "summary execution" ng mga inosenteng sibilyan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended