^

PSN Opinyon

Mayor Abalos is 'barking on a wrong tree'

-
Lundagin pala at mahilig sa ‘‘finger pointing’’ si Mayor Benhur Abalos ng Mandaluyong City. Kaya ko nasabi ito mga suki dahil imbes na pulungin ang lahat ng sektor at lapatan ng solusyon ang jueteng at iba pang uri ng sugal diyan sa kanyang siyudad ang napagbalingan ng init ng ulo ni Abalos ay ang hepe ng pulisya na si Supt. Jose Gentiles. ‘Ika nga Mayor Abalos ‘‘is barking on a wrong tree.’’ Bakit? Kasi itong problema ng pasugalan ay hindi dapat si Gentiles ang habulin ni Abalos kundi ang pinuno ng kanyang private army na si SPO1 Felipe ‘‘Jun’’ Lim, ang hepe ng anti-vice unit ng pulisya.

Para sa kaalaman ng taga-Mandaluyong City, itong si Lim ay nasa poder ni Abalos at hindi ni Gentiles. Kaya palagi n’yong maririnig si Lim na nagyayabang na direkta siya kay Abalos. Si Lim ay halos 10 taon na sa puwesto at masasabi nating kabisado na niya ang lahat ng sulok ng siyudad. Itanong mo ’yan sa mga vendors na pinagsisipa at pinagsasampal ng mga tauhan ni Lim, Mayor Abalos. At kapag matigas ang ’yong ulo, may tsansang ikakalat ng mga tauhan ni Lim ang paninda mo sa gitna ng kalye. Ganyan kalupit ang mga private army mo Mayor Abalos, ayon sa mga nagsusumbong sa akin.

At paano makapagtatrabaho itong si Gentiles ng maganda kung kapiranggot lang ang suporta mo. Pero kay Lim, sunod lahat ang layaw niya e pera-pera naman ang trabaho? Sa pagkaalam ko itong si Gentiles ay patuloy na binubulag ng mga bataan niya, di ba Chito Masilang at Medalla? Kung tatanungin mo ang mga financiers ng pasugalan diyan sa siyudad mo Mayor, kaya malaki ang lingguhang intelihensiya nitong sina Masilang at Medalla ay dahil ‘‘wala namang ibang mauutusan si hepe na paghuhulihin kayo kundi kami.’’

Pero kahit ganyan ang sistema diyan sa Mandaluyong City, may mga magagandang accomplishment itong si Gentiles. Sa loob lamang ng anim na buwan 79 katao ang naaresto sa illegal gambling at P15,203 salapi ang nakumpiska habang 238 katao naman ang nahuli at 246.3 gramo ng shabu; 301.85 gramo ng marijuana at 358 gramo ng ruby ang narekober.

Ang private army naman ni Abalos ay nakaaresto ng 73 katao sa illegal gambling at 86 naman sa droga. Ngayon binigyan ni Abalos ng isang linggo si Gentiles para damputin at ikalabuso itong sina Diday, Ely Kambingan, Buddy at Momong. Nagbanta pa siyang dito nakasalalay kung ire-retain o sisibakin na niya si Gentiles. Sibakin mo na ang lahat ng pulis mo diyan Mayor at itira mo na lang ang mga private army mo.
* * *
VK Watch! – Pati pala barangay officials ay nakikinabang na rin sa video karera machines. Kung paniniwalaan mo si SPO2 Roger Esteban ng WPD naglalagay umano siya ng lingguhang P500 o P1,000 sa mga opisyales ng barangay kung saan nakalagak ang makina niya. May 200 VK machines si Esteban at bawa’t barangay sa Tondo ay may anim siyang makina, ayon sa ipormante ko. Pinipick-up ng naka-motor na bataan ni Esteban ang mga kinita niyang barya bawa’t tatlo o apat na oras. Pulang van naman ang gamit niya sa pag-deliver ng mga makina niya. Ang opisina ni Esteban ay matatagpuan sa 251 kanto ng Lakandula at Kagitingan Sts. sa Tondo. Paging Mayor Lito Atienza Sir.

ABALOS

CHITO MASILANG

ELY KAMBINGAN

ESTEBAN

GENTILES

JOSE GENTILES

MANDALUYONG CITY

MAYOR ABALOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with