Aksyunan ang mga paratang ni Ador
July 10, 2001 | 12:00am
Malaki na ang nagagawang kaguluhan ni Angelo Manaway alias Ador, ang dating civilian agent ng Binuwag na Presidential Anti-Organized Crime Task Force (PAOCTF). Nagsimula sa usok lamang ngunit lumaki nang lumaki ang apoy na marami na ang natutupok. Habang nagaganap ito, nakatungangang nagmamasid lamang ang mga maykapangyarihan na hindi malaman kung ano ang gagawin.
Ibinulgar ni Ador na si Senator-elect Panfilo Lacson at ang kanyang mga tauhan na sina Senior Supt., Michael Ray Aquino, Cesar Mancao, Teofilo Vina at Glen Dumlao ang mga nasa likod ng destabilization plot laban sa administrasyon ni Presidente Arroyo at iba pang mga krimen na katulad ng pagkidnap at pagpatay kay Edgar Bentain at Bubby Dacer at ang driver nitong si Emmanuel Corbito.
Isinabit din ni Ador si Bert Lina, kapatid ni DILG Sec. Joey Lina. Sinabi ni Ador na si Bert ang dapat tumanggap ng 10 kilo ng shabu na diumano ay ipadadala ni PNP Operations Chief Director Edgar Aglipay. Hindi maganda ang naging reaksiyon ng pinuno ng DILG sa pagbubulgar na ito ng dating agent. Diumano, tinawag daw ni Lina si Ador na sira ang ulo.
Hindi rin naging maganda ang pagtanggap ng taumbayan sa naging reaksiyon ni Lina sa pahayag ni Ador. Para raw lumalabas na ipinagtatanggol na kaagad ni Lina ang kanyang kapatid gayon hindi pa man niya napaiimbestigahan ang nasabing alegasyon. Mali nga yata ang dating ni Lina. Baka naman napikon lamang ang mama?
Kailangan na talagang mabigyan ng solusyon ang tungkol kay Ador. Sino ba talaga siya? Ano ba talaga ang kanyang intensiyon? Mayroon bang mga taong nasa likuran niya na nagmamanipula sa kanya? Ano ang dahilan? Nararapat lamang na malaman ng mamamayan ang mga kasagutan sa mga nasabing katanungan sa madaling panahon. Aksiyon ang kailangan dito.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am