Maganda ang record ni Col. Querol pero...
June 13, 2001 | 12:00am
May grupo ng Manila police na kung tawagin ay dirty 20 na kasalukuyang namamayagpag diyan sa area ng Northern Police District (NPD). Pero hindi tulad ng dirty dozen noon ni Gen. Alfredo Lim na kinakatakutan ng mga kriminal itong dirty 20 ni Senior Supt. Vidal Querol, hepe ng NPD ay kinatatakutan lamang ng mga gambling lords at operators ng mga bold shows.
Ang dirty 20 na pinamumunuan ng isang alyas Martin, ang sentro sa ngayon ng inggit ng orihinal na NPD rank and file, siyempre dahil sa salaping nakamal nila sa kanilang lingguhang koleksiyon. Ang reklamo ng taga-NPD ayon sa aking espiya, ay sila ang nagsaing at iba ang kumain. He-he-he! Ano ba yan. May interes din pala.
Si Martin, ayon sa aking espiya ay miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) Class 90. Ganyan ba ang natutunan niya sa apat na taong pakikibaka sa PMA, ang mangolekta ng tong? Tanong lang. Bok, humabol ka naman ng kriminal.
Subalit kahit namamayagpag itong dirty 20 mukhang patuloy pa rin ang operasyon ng ilegal gambling at bold shows diyan sa Caloocan City, Malabon, Navotas at Valenzuela City (CAMANAVA), anang aking espiya. Ang malalaking jueteng operators diyan sa CAMANAVA ay sina Boy Aquino, Aging at Tony Galgana. Ang mga financiers naman ng bookies ng jai alai at karera, sakla, lotteng at PBA ending, video karera at iba pa ay sina Lucy Santos, Ronnie Hapon, Mario Bukbok, Yson, Boy Rosie, Onnie, Cito, Nikkie, Bernard, Maritoni, Kalabaw, Baki, Perong, Doring, Dong Tungol, Buting at Edgar, Letty Puti, Ely Mango, Rey Recto, Letty Itim, Buknoy, Rod Viduya, Danny Estacio at Danny Estanislao. Ang dami nila at mukhang malaki rin ang koleksiyon no?
Maganda ang service record nitong si Querol pero sa tingin ko dahil kay Martin baka sumemplang siya at hindi na niya makamit ang pinakamimithing maging hepe ng Western Police District (WPD). Di ba umuugong na sa labas na si Querol nga ang susunod na hepe ng WPD? Kelan kaya matapos ang ban sa appointment ng Commission on Elections (Comelec)? Malapit na di ba?
Kung sabagay, hindi lang sa NPD naging open city itong operasyon ng ilegal gambling kundi sa buong bansa na. Habang abala ang mga military natin sa pakikibaka sa mga Abu Sayyaf sa Basilan at Sulu, itong ating kapulisan naman ay abala rin sa pagpuno ng kanilang mga bulsa ng salapi galing sa ilegal. Hay naku, kumilos ka na Philippine National Police (PNP) chief Director General Leandro Mendoza. Kelan pa kaya mamumulat ang iyong isipan ukol sa yong kakulangan? Kapag na-impeach na rin si President Gloria Macapagal-Arroyo dahil sa jueteng? Ano ba yan?
Mukhang pati si GMA ay nahawa na rin ng sakit na bulag, pipi at bingi dahil hindi niya maaksiyunan itong si Central Luzon jueteng king Bong Pineda na tuloy na uli ang ligaya. Hay naku! Paano makababangon itong bansa natin?

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended