^

PSN Opinyon

Garapal na eleksyon sa Pasig

-
Terible, terible. Grabeng garapalan pala ang nangyaring dayaan sa balota noong nakalipas na halalang lokal sa Pasig.

Mantakin ninyo, base sa mga dumarating na report sa akin, may mga matatapang na konsernadong mamamayan ng Pasig ang humantad at tumetestigo sa sinasabing mga nangyaring pandudoktor at pagmamadyik sa mga balota ng kandidato sa congressional race na ang ginulpi ng harapang panlilinlang at sinasabing panghuhudas ay si Noel "Toti" Cariño. Hindi ko kilala itong si Cariño at walang personal na motibo ako rito, maliban sa tugunin ang pangangailangan ng aking propesyon na maghantad ng mga kabalbalan, kabulukan at anomalya tungo sa pagtatamo ng katarungan, maging sinuman ang tamaan.

Gaya nitong sinasabi ng 60-anyos na si Liwayway Hagupit ng Barangay Purok 5, Market Ave. Ext., San Miguel, Pasig City, eh talaga namang manggigigil ka kung ang sangkot dito ay isang guro na dapat na maging huwaran ng kabutihan, katapatan at kalinisan ng puso. Mabuhay po kayo, Aling Liwayway, bago po ang lahat.

Ayon kay Liwayway, walang humpay siyang nag-monitor sa mga presinto ng eskuwelahan sa Barangay San Miguel na pinagdausan ng nakaraang local election. Partikular na tinukoy niya ang mga presintong 1072 at 1084.

Nakita niya sa kanyang paglilibot sa nabanggit na mga presinto ang umano’y pandaraya ng titser na tagabasa ng balota sa presinto 1072 at 1084 sa second floor ng eskuwelahan.

"Nabasa na po ang lahat ng (pangalan) ng senador, pati na ang sa mayor at konsehal, pero ang sa congressman, Toti Cariño ay hindi binabasa ng titser na iyon na ayaw sabihin ang pangalan niya. Limang balota na po ang nakita ko na ang pangalan ay Toti Cariño sa congressman, hindi binabasa ng titser na iyon. Hinihintay kong basahin, hindi talaga binasa."

Ang ginawa ng matapang na matanda, pinasok nito ang presinto 1072 at 1084 at sinita ang titser. "Maam, bakit hindi n’yo binabasa ang congressman (kay Cariño) na ikinagalit nito. Ayon dito, ang procedure raw niya, pagdating sa limang balota, saka niya binabasa ang (boto) sa congressman."

Pero ang ikinagagalit ni Liwayway ay kung bakit sa kabila na naka-limang balota na ang nakasulat ay Toti Cariño, ay hindi rin binabasa ito ng guro. Nang pagpaliwanagan ng matanda ang titser sa mali nitong sistema ay nagalit ito at tinakot na siya (Liwayway) ay puwede nitong idemanda.

Ang sagot ni Liwayway, "Di magdemanda ka, haharapin kita, o kaya, kahit kay Mayor Eusebio tayo magharap, hindi ako natatakot."

Sino ba itong titser na ito? Ang mga ganitong titser ang dahilan kung bakit ang bayan natin ay pabulusok sa kahirapan at kapalpakan.

Commissioner Benipayo, Sir, Bosing, pakibusisi lang po itong dayaang ito.

Uulitin ko, hindi ko kilala itong si Toti Cariño, pero karapatan niyang ipaglaban ang kanyang kaapihan. Kilos, Mr. Cariño. Huwag kang pakarinyo sa mga hunghang at mga animal na nagpapanggap na maaamong tupa.

Para walang dudang manatili sa isip ng mga taga-Pasig, kailangan dito ay recount sa bilangan ng balota at balewalain ang pagkakaproklama ni Henry Lanot bilang kongresista. Fair is fair, ika nga.

AELIG

CARI

LIWAYWAY

TOTI CARI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with