Alam nyo ba?
May 9, 2001 | 12:00am
Narito ang ilang kaalaman na maaaring maidagdag sa inyong nalalaman. Alam kong makatutulong ito upang mapalawak ang kaisipan. Sa lahat ng hayop ang pagong ang may pinakamahabang buhay. Ayon sa mga science researchers, sa China ay may pagong na nabuhay ng mahigit sa 500 taon.
Sa buong maghapon ay 20,000 beses na kumukurap ang ating mga mata.
Ang matipunong mandirigma na si Alexander the Great ay namatay hindi dahil sa pakikidigma kundi sa kagat ng lamok. Si Haring Nebuchadnezzar na tinaguriang builder ng Hanging Garden of Babylon na isa sa mga Wonders of the World ay pumanaw dahil din sa kagat ng lamok.
Ang dalawang lalawigan ng Mindoro ay dating sakop ng Batangas at ang Masbate ay dating sakop ng Albay.
Si E. Arsenio Manuel ang tinaguriang Dean of Philippine Anthropology at Father of Philippine Folklore. Si Napoleon Abueva naman ang kinikilalang Father of Modern Philippine Sculpture. Ang kanyang ‘‘sculpture’’ na yari sa ipil ay naka-display sa United Nations Headquarters sa New York.
Isang dakilang pintor na Pilipino noong dekada ’50 si Arturo Luz. Ang Luz Gallery sa Makati na kanyang itinayo noong dekada ‘60 ay sentro ng mga dakilang likha ng mga Filipino artists.
Ang matipunong mandirigma na si Alexander the Great ay namatay hindi dahil sa pakikidigma kundi sa kagat ng lamok. Si Haring Nebuchadnezzar na tinaguriang builder ng Hanging Garden of Babylon na isa sa mga Wonders of the World ay pumanaw dahil din sa kagat ng lamok.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am