^

PSN Opinyon

Ano ang psoriasis?

-
Ayon sa kilalang dermatologist na si Dr. Lakandula "Lucky" Elayda, ang psoriasis ay isang skin infection. Ito aniya ay namamana.

Hanggang ngayon, hindi malaman ang dahilan ng pagkakaroon ng psoriasis at wala pa ring natutuklasang gamot dito. Sinabi ni Dr. Elayda na walang pinipili ang psoriasis. Maging babae o lalaki, maging bata o matanda ay puwedeng tubuan ng sakit na ito. Ayon sa medical report, apektado ng psoriasis ang may 1.5 hanggang 2.5 percent ng populasyon ng mundo.

Ayon pa kay Dr. Elayda, ang psoriasis ay nagsisimula sa ulo kung saan magkakaroon ng makapal na balakubak. Ang iba ay makati at ang iba naman ay hindi pero ang buong katawan ay apektado. Idinugtong niya na 98 porsiyento ng katawan ay apektado ng naiibang infection na ito. Makikitang magbubutlig-butlig at mamumula ang balat. Pati kuko, genitals o sex organs ng lalaki at babae ay hindi rin pinatatawad ng psoriasis. Mabilis ang pagkalat nito at kapag tinanggal ang maputing infection ay para itong langib na may dugong maliliit na tinatawag na "inpoint hemorrages".

Si Dr. Elayda na Presidente rin ng Manila Medical Society ay patuloy sa pagtuklas ng gamot sa psoriasis. Nangako siya na kapag natapos na ang tinutuklas na gamot, una niya itong ilalathala sa BANTAY KAPWA.

Sa mga may problema sa balat o anumang bagay tungkol sa skin care, maaaring sumangguni kay Dr. Elayda sa 2406 Karapatan St., Sta. Cruz, Manila, Tel. 731-0871; o sa 957 Apacible cor. San Marcelino, Ermita, Manila, Tel. 531-7248 at sa Manila Medical Society, 800 Taft Avenue, Manila, Tel. 524-9944.

APACIBLE

AYON

CRUZ

DR. ELAYDA

DR. LAKANDULA

KARAPATAN ST.

MANILA MEDICAL SOCIETY

PSORIASIS

SAN MARCELINO

TAFT AVENUE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with