^

PSN Opinyon

Sa mga kalaban ni Peewee: Lumaban kayo nang parehas!

-
Napipikon na nga ang mga katunggali ni re-electionist Pasay City Mayor Pewee Trinidad sa darating na May 14 elections. Karamihan kasi sa mga posters, streamers at billboard ng butihing mayor na nakakabit o idinikit sa maraming bahagi ng naturang lungsod partikular na ang nasa corner ng EDSA Taft at Tramo ay winasak o kundi naman ay dinidikitan ng ibang mukha ng kandidato.

Sa panayam ng OK KA BATA! sa ilang supporter ni Mayor Trinidad, may anim daw na armadong kalalakihan na sakay ng Toyota FX plate no. 522/572 at isang Toyota Revo ang pinagtatanggal ang mga nakalagay na streamers at billboard ng nabanggit na butihing Mayor. Ano ba naman ‘yan, uso pa ba ngayon ang mga estilong ugaling Taning.

Ayon pa sa kanila, hindi na lamang sila kumibo dahil sa baka may mangyaring hindi maganda sa kanila. Sigurado ‘yon mga katoto. Kampon ng kadiliman ang mga ito at walang laman ang utak kundi ang manggulo basta may katapat na halaga. Estilong teroristang bayaran.

Katulad noong nakaraang linggo, pinakunan ng litrato ng mga kalaban sa pulitika ni Trinidad ang maraming tambak ng basura sa isang lugar sa Pasay City at sinabing ginagawang dumpsite.

Nang bisitahin ng mga supporter ni Mayor ay parang pelikula lamang pala na inilagay at inalis din. Matindi talaga mga Kabayan, kapag mabunga ang isang puno ay binabato.

Isa sa ibinigay na halimbawa ni Pasay Mayor Peewee Trinidad ay noong nakalipas ng madaling araw ng linggo lamang. Binuhusan ng pinturang kulay dilaw ang kanilang gate sa Park Avenue, Pasay City at naniniwala siya na may kinalaman ang kanyang mga kalaban sa politika na umarkila ng mga tao na gagawa ng maitim na balak.

Kapag nawala si Mayor Peewee Trinidad sa Pasay, siguradong darami ang siga at drug pushers dito at siguradong isa sa mga magiging biktima ng mga ito ay pawang mga kabataan. Hindi na magsasalita ang OK KA BATA! sa isyung ito, basta’t magtanong na lamang kayo sa inyong mga kapitbahay na matitino kung may katotohanan nga ang aking sinabi.

Alam ba n’yo mga Kabayan kung bakit sinusuportahan ng OK KA BATA! si Pasay City Mayor Peewee Trinidad? Ito ay sa dahilang siya lamang ang pulitikong may strong political will na naging alkalde ng nabanggit na lungsod.

Hindi tinitingnan ng OK KA BATA! ang kinaanibang partido ni Mayor Trinidad kundi tinitingnan ko ang nagawang pagbabago ng Pasay City magmula nang mawala ako rito at lumipat sa Cavite.

Hindi na kailangan ang kayamanan ni Mayor Trinidad dahil maliit pa lamang ako at nag-aaral pa lamang sa Jose Rizal Elementary School ay mayaman na ito. Ang tanging kailangan niya ay maglingkod sa bayan.

Nakikiusap ang OK KA BATA! sa mga hinayupak na mga kalaban sa pulitika ni Mayor Trinidad, walang bastusan naman sa pangangampanya, gumawa na lamang kayo ng sariling diskarteng Pinoy at siguradong magkakaalaman kung sino ang pinagpala ng Diyos sa darating na eleksiyon.

JOSE RIZAL ELEMENTARY SCHOOL

KABAYAN

LAMANG

MAYOR

MAYOR PEEWEE TRINIDAD

MAYOR TRINIDAD

PARK AVENUE

PASAY CITY

TRINIDAD

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with