^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Di dapat ningas kugon sa illegal drugs

-
Isa sa pinakamalaking problema ng Arroyo administration ay ang grabeng pagkalat ng illegal drugs — partikular ang methamphetamine hydrochloride o mas lalong kilala sa tawag na shabu. Ang shabung ito ang pinag-uugatan ng mga karumal-dumal na krimeng nangyayari sa kasalukuyan. Mula sa pangre-rape, pagpatay, pagnanakaw at iba pang malalagim na krimen na ang kadalasang nagiging biktima ay mga kabataan. Magandang malaman na nagkaroon na rin ng balak ang Arroyo administration na labanan ang mga gumagawa at nagpapakalat ng shabu sa bansa. Aniya, ang kampanya sa illegal drugs ay hindi lamang laban sa mga pushers kundi pati sa mga nagma-manufacture nito. Ang kampanya ay ilulunsad sa isang linggo ng Department of Interior and Local Government (DILG).

Ang shabu ay hindi lamang sa Metro Manila nakakalat kundi maging sa mga liblib na barangay sa buong Pilipinas. Masakit isiping naabot na ng mga salot na drug traffickers ang mga barangay na walang kalsada, kuryente at iba pang serbisyo ng gobyerno. Naipamumudmod na roon ang shabu at ginagawa nang halimaw ang mga residente na karamiha’y mga kabataan. Batay sa mga report, madaling napapasok ng mga drug traffickers ang mga bayang nasa baybay-dagat. Madaling ibagsak sa mga bayang ito ang mga shabung galing China o iba pang kalapit-bansa sakay ng barko o iba pang sasakyang-dagat. Umano’y kapag naibagsak na ang mga shipment ng shabu, mga bata pa ang ginagawang "courier" ng mga ito para hindi paghinalaan ng mga awtoridad.

Ilang halimbawa ng malagim na krimen dahil sa impluwensiya ng shabu ay ang pangre-rape at pagpatay sa La Salle coed na si Claudine Feliciano noong March 10. Ginahasa muna bago pinatay si Claudine at pagkaraan ay itinapon ang hubo’t hubad na katawan nito sa isang creek sa San Antonio Valley, Parañaque City. Nahuli na ang mga suspect at umaming nag-shabu sila nang gawin ang krimen.

Marami pang malalagim na krimeng nagawa dahil sa shabu at nararapat lamang na magsagawa na ang pamahalaan ng dibdibang paglaban sa mga gumagawa at nagpapakalat nito. Bantayan ang mga baybaying-dagat na binabagsakan ng shabu. Sibakin, ikulong at bitayin ang mga police officials, mayor o pulitikong magpoprotekta sa mga drug traffickers. Manmanan ang mga kahina-hinalang Chinese sa bansa. Huwag alisin ang parusang bitay upang maubos na ang mga salot. Ang kampanya sa illegal drugs ay hindi dapat maging ningas-kugong kampanya. Kawawa ang kabataan kapag hinayaan ang mga salot sa lipunan.

CLAUDINE FELICIANO

LA SALLE

METRO MANILA

SAN ANTONIO VALLEY

SHABU

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with