^

PSN Opinyon

Problema sa pandinig (Una sa 4 na serye)

-
Ano ang nararamdaman ng isang bata na nilalayuan ng kanyang kapwa bata at ayaw makipaglaro dahil siya ay isang bingi? Kung kayo ang magulang at makita ninyo ang inyong anak na nasa ganitong sitwasyon ano ang iyong mararamdaman at gagawin?

Dahil nga hindi nakaririnig ang isang bata kaya nakadarama siya ng pagkahabag sa sarili na para ba siyang may sakit na nakakahawa na pinandidirihan at nilalayuan. Kalimitan siyang mapag-isa at tinatanong ang sarili na bakit hindi siya ipinanganak na normal gaya ng mga batang gusto niyang makalaro.

Hindi lamang siya ang nag-iisa. Maging ang kanyang mga magulang ay nagdurusa rin. Batid nila ang kalagayan ng anak na may hearing problem kung kaya’t masakit man sa kanilang tanggapin ang katotohanan na sila’y nagkaanak ng bingi ay wala silang magawa. Naniniwala sila na iyon ang ipinagkaloob ng Diyos sa kanilang anak kaya anumang pasakit at sakripisyo ay gagawin nila dahil sa pagmamahal dito.

Ang problema ng batang walang pandinig at ng kanyang mga magulang ay may kasagutan na. Ang problema nila’y malulutas na sa pamamagitan ng natatanging hearing aid na sadyang nilikha para matulungan ang mga may hearing problems at ito’y ipinamamahagi ng Hi-Tech Hearing Center sa pamamagitan ni Dr. Eduardo Go, Board-Certified Hearing Instruments specialist. Si Dr. Go at ang kanyang staff ay mga gabay sa pandinig ng mga may hearing problem. Ayaw na ayaw ni Dr. Go na tawagin silang bingi na batid niyang isang paghamak at pag-alipusta sa kalagayan ng isang may kapansanan, kabilang na ang mga deaf and mute. (Itutuloy)

ANO

AYAW

BATID

BOARD-CERTIFIED HEARING INSTRUMENTS

DAHIL

DIYOS

DR. EDUARDO GO

DR. GO

HI-TECH HEARING CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with