^

PSN Opinyon

Saan sila kukuha ng pang-tuition, Mayor Peewee?

-
Walang pinapanigan ang OK KA BATA! maliban sa 130 trabahador ng isang sikat na KTV sa Pasay (di ko na babanggitin ang pangalan) na mawawalan ng trabaho kapag naipasara dahil lamang sa personal na away ng magkabilang panig.

Sa loob ng pitong taong pagtatrabaho sa KTV, malaking bagay sa may 130 waitresses, waiter, bash boy, manager, lady keeper, janitor, cook, bartender, cashier at checker dahil dito nila kinukuha ang pang-araw-araw nilang ikinabubuhay. Karamihan sa kanila ay mga magulang na may pinaaaral na anak sa elementary, high school at college. Iginagapang nila para pagdating ng panahon ay hindi matulad sa kanila.

Nakausap ng OK KA BATA! ang ilan sa mga magulang na nagtatrabaho sa KTV. Si Alfredo Gervacio, 54, ay may limang anak; Eda Candelario, captain waitress ay may dalawang anak sa high school; Millette Gonzales, may limang anak at Jose Salvador, may apat na anak na pinag-aaral din.

Subalit dumating ang panahon na ang pinapasukan nilang KTV ay napag-initan ng mga taong nasa larangan ng mamamahayag na nauwi sa personalan at pulitika.

Ipinag-utos ng idol kong si Pasay City Mayor Peewee Trinidad ang pagpapasara sa KTV dahil nakunan umano ng video na nagpapalabas daw dito ng bold. Sa dinami-daming diskuhan at KTV sa Metro Manila na nagpapalabas ng bold na karamihan ay mga menor-de-edad itong KTV lamang na ito ang pinuntirya sa hindi maipaliwanag na kadahilanan. Walang kaugnayan dito ang pera-pera.

May ilang linggo ring naisara ang KTV ngunit nabuksan dahil sa ipinalabas na Temporary Restraining Order (TRO) ng Korte. Kaya natuwa ang mga trabahador pero naapektuhan na ang pagpasok ng kliyente. Naging madalang at natakot partikular na ang mga turista.

Eh, di ang nangyari ay nanggagalaiti ang mga taong nagpupumilit na maipasara kaya pinatutukan kung bakit nabigyan ng TRO na pigilin ang pagsasara.

Sa mga kasamahan ko sa trabaho bilang mamamahayag walang pakialam ang OK KA BATA! kung nagpapalabas man ng bold show ang karamihang diskuhan sa Pasay, Makati at Parañaque, huwag lang mahuhulihan ng mga awtoridad ng mga menor de edad na GRO at malalaswang panoorin.

Ang isa pa, pagmultahin nang malaki ang may-ari ng anumang night club/KTV at diskuhan sa mga nasabing lungsod kapag napatunayang lumabag sa city ordinance partikular na ang bold show para hindi na maulit. Siguro naman, Mayor Peewee Trinidad na may tinatawag na 1st, 2nd, at 3rd offense sa mga establisimiyentong lumalabag sa city ordinance. Ang kaso ng nasabing KTV ay 1st offense.

Mayor Peewee, huwag kayong padala sa mga pulitikong naglalakbay-diwa na umaasang mananalo sa darating na May 14 elections. Kayo pa rin ang susunod na mayor ng Pasay.

Ang pinaglalaban ng OK KA BATA! ay ang 130 trabahador na mawawalan ng trabaho dahil lamang sa personal na away ng magkabilang panig.

Para sa mga taong nasa likod ng pagpapasara ng naturang KTV, kung masisiguro ninyong mabibigyan ng trabaho ang 130 trabahador ng nasabing KTV, kasama ninyo ang OK KA BATA! sa pagpapasara. Walang personalan.

Ang masakit, dadagdag na naman ang 130 trabahador sa 60,000 Pilipino na walang trabaho. Sakit na naman ito ng ulo ni GMA.

EDA CANDELARIO

JOSE SALVADOR

KTV

MAYOR PEEWEE

MAYOR PEEWEE TRINIDAD

METRO MANILA

MILLETTE GONZALES

PASAY

WALANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with