^

PSN Opinyon

Sanggol na 'hino-hostage' ng Perpetual Help Medical Center

-
Isa na namang kaso ng harassment at illegal detention laban sa isang ospital ang idinulog sa OK KA BATA! Ang sanggol na lalaki ay naka-hostage este naka-confine sa Perpetual Help Medical Center. Ang nasabing ospital ay pag-aari ng congressional candidate na si Tony Tamayo.

Pangungunahan ko na ang mga kaalyado at pamilya ni Tony Tamayo partikular na ang mga staff ng nasabing ospital na huwag n’yong paghihinalaan ang OK KA BATA! na isa sa mga demolition team ng inyong kalaban sa pulitika. Nagkakamali kayo mga hinayupak na "hostage-taker"!

Siguradong hindi ipinaabot sa kaalaman ng mga hinayupak na staff kay matandang Jose Tamayo ang mga nagaganap na pangyayari sa nasabing ospital. Partikular itong kaso ni Geoffrey Timothy Dalin na ngayon ay naka-‘‘illegal detention" sa Nursery Section na nasa 3rd floor ng Perapetual Helpless Medical Center este Perpetual Help Medical Center pala.

Para sa kaalaman ng taumbayan, si Dr. Jose Tamayo, ama ni Tony na kakandidatong pagka-congressman sa Las Piñas ay malapit sa puso ng Pilipino Star NGAYON ngunit sa mga pinaggagawang kabulastugan ng kanyang staff sa nasabing ospital, nababahiran tuloy ng masamang imahe ang mga kabutihang ginawa ng matanda.

Alam mo ba Tony Tamayo ang nangyayari sa inyong pinamamahalaang ospital? Ang sanggol na si Geoffrey Timothy G. Dalin ay kasalukuyang "hino-hostage" ng inyong mga hinayupak na staff partikular na ang mga nasa Credit and Collection na pinamumunuan ni Carmen Mendoza at may balitang nagpunta na ng abroad, kung totoo nga?

Alam mo ba Tony Tamayo na marami nang nilapitang tao – mga prominenteng tao at mga ahensiya ng gobyerno ang lola ni Geoffrey na si Levita Gabiliño ng Imus, Cavite upang hingian ng tulong na mailabas ang kanyang apo. Ang huli niyang nilapitan ay ang Pilipino Star NGAYON na umaasang baka sakaling matauhan ang ilang staff ng ospital na tinawag ng mga residente ng Las Piñas City na Pera-petual Helpless Medico-legal Center.

Ganito ang salaysay ni Lola Levita hinggil sa kanyang apong si Geoffrey. Si Geoffrey ay isinilang noong Dec. 22, 2000 dakong alas-11 ng gabi. Ang kanyang ina ay si Kathleen Ross Dalin.

Nagimbal sila (at maging ang OK ka Bata!) nang umabot sa P29,000 ang naging bill sa panganganak ni Kathleen Ross. Nagbigay ang pamilya Dalin ng halagang P24,000 bilang paunang bayad pero hindi pa rin daw makalalabas si Kathleen Ross dahil sa may balance pang P5,000.

Nakiusap si Lola Levita na gagawa ng promisory note at huhulugan na lamang ang nalalabing kakulangan ngunit hindi pumayag ang departamento ng Credit and Collection kaya napilitang iprenda ang kanilang fax machine upang makalabas lamang si Kathleen Ross.

Naiwan si Geoffrey sa Perapetual Help Medical Center este Perpetual pala dahil premature (28 weeks) at inilagay sa elevator este incubator sa nursery section 3rd floor.

Sa kasalukuyan, umaabot na sa P159,366.09 ang bill kaya naka-‘‘illegal detention" at "hino-hostage" ng nasabing ospital ang kawawang si Geoffrey.

Ayon pa kay Lola Levita, sinubukan na raw nilang iprenda ang deed of sales ng kanilang bahay at lupa mailabas lamang si Geoffrey ngunit hindi pa rin pumayag. Ano ba naman ‘yan, talagang tamang bansagang "Pera-petual Medical Center".

Tinangkang kausapin ng aming Editor-in-Chief na si Al Pedroche ang executive secretary ni Tony Tamayo na si Belen upang pakiusapang ipalabas na ang bata subalit ginawang trumpo at pinaghintay pa ng may ilang minuto sa telepono. Hindi rin nakausap ang magiging congressman sana.

Nagtungo naman ako noong Miyerkules sa nasabing ospital upang hingin ang kanilang panig subalit ginawa din akong trumpo at pinagtuturo ako kung kaninong staff partikular itong si Josie Santos, head nurse ng nursery section.

Mr. Tony Tamayo na magiging congressman sana, baka hindi n’yo alam ang patakaran ng isang ospital, magtayo na lang kayo ng punerarya, bolahan ng jueteng at illegal bookies.

Gawin na lang ninyong mga embalsamador, kabo at kubrador ng jueteng ang inyong mga staff partikular na ang isang nagngangalang Manny Tolenada ng Credit and Collection Department.

Isama na ninyo ang dalawang nagngangalang executive secretary na si Belen at Josie sa Director’s office upang maging sales executive ng jueteng, saklaan, illegal bookies, cara y cruz, mahjong, pula-puti at bingo.

CREDIT AND COLLECTION

GEOFFREY

KATHLEEN ROSS

LAS PI

LOLA LEVITA

OSPITAL

PERPETUAL HELP MEDICAL CENTER

TONY TAMAYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with