^

PSN Opinyon

Sa lahat ng kabataan: Makilahok sa eleksyon

-
Karamihan sa mga botante ay kabataan kaya isang magandang hakbangin na turuan silang mamulat sa mga responsibilidad bilang botante. Kaya sa darating na eleksiyon ang pananaw at kaisipan ng mga kabataan ang magbibigay ng pangitain sa kinabukasan ng ating bansa.

Nakasalalay sa sektor ng kabataan ang magiging resulta ng darating na eleksiyon. Kung sinuman ang kanilang iluklok sa puwesto ay kanilang magiging sagutin sa susunod na henerasyon. Ang pagtugon sa hamon ay nakaatang sa balikat ng mga kabataan. Ang pagkakaroon ng malawak na pananaw at pagsasantabi ng mga personal na konsiderasyon ang kanilang kailangan. Ang pagtuturo sa kapwa kabataan at pamilya ng mga katuruan at pagkakamali ng nakalipas ay muli nating alalahanin at magbigay gabay sa pagpili ng mga kandidato. Ang mga konsiderasyon sa pagpili ay hindi batay sa popularidad at personalidad nito. Hindi ito batay sa mga pabor na naibigay na at ibibigay pa. Ang dapat na pamantayan ay batay sa karakter at karunungan na intindihin ang mga suliranin ng kanyang katungkulan.

Hinihikayat ko ang mga kabataan na aktibong makilahok at makibahagi sa pagpapaliwanag sa mga mamamayan sa pagpapataas ng pamantayan ng pananaw sa proseso ng eleksiyon. Ang inyong adhikain, konsensiya at ideyalismo ang gagabay sa gawaing ito. Kayo ang susi ng pagbabago at pag-unlad ng ating bayan. Ang hamon ay nasa inyong mga kamay. Mabuhay ang mga kabataan.

BATAY

ELEKSIYON

HINIHIKAYAT

KABATAAN

KANILANG

KARAMIHAN

KAYA

MABUHAY

NAKASALALAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with