^

PSN Opinyon

ORA MISMO - Tuloy ang jueteng, eleksiyon kasi!

- Butch M. Quejada -
Dalawang buwan pagkatapos ng eleksiyon tiyak kong bibigyan ng totoong pansin ng Philippine National Police (PNP) ang jueteng sa bansa at baka totohanin na nila ang pagpapasara rito. Sa ngayon kasi ay parang malabo pa kaya patuloy pa ang bolahan sa iba’t ibang lugar.

Dito raw kasi kukuha ng pondo ang mga kamoteng pulitiko habang kasagsagan ng kampanya.

Hindi puwedeng basta na lamang patigilin ang mga gambling lord ngayon sa kanilang kubransa kasi alam na alam nilang kailangan ng mga hunghang na kandidato ang kanilang tulong pinansyal.

Totoo mga readers, ang nasa isip ninyo ningas-kugon ang kampanya ng PNP at DILG sa jueteng at iba pang uri ng sugal na mamamayagpag ngayon sa lahat ng sulok ng Pilipinas?

Puro ‘‘praise release’’ lang ang PNP. Si Ilocos Sur Gov. ‘‘Chavit’’ Singson naman ay parang nakikipaglokohan din sa bayan?

Kung talagang totoo ang pangako nilang kampanya na burahin ang illegal na sugal bakit imbes na matigil ay lalo itong lumala?

Mas masaya ang laban ngayon inalis na raw ang ‘‘no take policy’’.

Kanselado ang slogan ni Ping, pinalitan daw ng ‘‘take it away’’ para ‘‘everybody happy’’ mas marami ang nakikinabang. Basta walang bukulan! Tama ba, Atong Ang?

Tip ng mga kuwago ng ORA MISMO kay DILG Secretary Joey Lina sa likuran ng tanggapan mo ay may jueteng. Sa likuran bakuran ng opisina mo acting PNP bossing Larry Mendoza ay may jueteng din. Hindi lamang ito kundi maging sa loob ng opisina mo at iba pang division ng PNP sa loob ng Crame ay matindi ang kubrahan ng ‘‘ending’’ at jai alai?

Parang naniniwala ang mga kuwagong ORA MISMO sa kinakanta ni Ang See na bakit si Larry Boy? Ang dami namang mas qualified dito.

‘‘Huwag na nating pag-usapan ang pagka-sugarol ni Larry Boy porke totoo ito, este, mababaw ang ebidensiya,’’ sabi ng kuwagong maninipsip ng tahong sa baba.

‘‘Nagbago na si Colonel este General pala. Hindi na ito gaanong nagbababad sa sugalan,’’ sabi ng kuwagong Kotong Cop.

Totoo bang P3 million ang kinuha mo kay Bong Piñeda para bayaran ang utang mo sa casino? tanong ng kuwagong CO2-10 sa Aguinaldo.

‘‘Alam mo pala huwag ka ng maingay,’’ inis na kamot ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘‘Kala ko ba bawal na ang jueteng?’’

‘‘Mas masarap nga, eh!’’

‘‘Ang ano?’’

‘‘Ang bawal.’’

ANG SEE

ATONG ANG

BONG PI

CRAME

KOTONG COP

LARRY BOY

LARRY MENDOZA

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

SECRETARY JOEY LINA

SI ILOCOS SUR GOV

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with