'Tsura mo, Miriam
March 9, 2001 | 12:00am
Hoy, a, produkto ako ng UP. Tanda ko pa ang aking student number 71-00319. Hindi ako dapat mainsulto kay Miriam Defensor-Santiago. Pero nasaktan pa rin ako.
Tinanong kasi siya sa I-Witness ng GMA-7 kung nababahala siya sa namumutiktik na puna sa asal niya nung impeachment trial. Ang sagot ba naman ni Ma(i)d Miriam sa nakakatulig na Ingles, nanlilisik na matat nanunulis na nguso: Bat ako mababahala sa mga puna na yan? Yang mga Pilipinong yan, na hindi naman nakatuntong sa Harvard o Oxford! Mababahala ako kung punahin ng propesor ko sa Cambridge ang interpretasyon ko sa isang usaping pang- hindi makaintindi ng malalim na usapin? Wala akong panahon sa mabababang uri ng nilalang.
Masakit dahil graduate rin si Miriam sa UP. Dahil senadora siya ng Republika. Dahil suwelduhan lang siya ng taumbayan. Dahil ang minamaliit niyang mabababang uri ay 99 porsiyento ng population. Dahil kumakandidato siya uli at inaawitan ang boto ng masang hindi pa naaamoy ang malamang na di-maamoy sa buong buhay ang hangin sa Cambridge. Dahil minsay muntik pa siyang maging Presidente. Dahil inasam pa niyang maging huwes sa UN International Tribunal.
Mayabang kaming mga taga-UP pero tuwi lang taga-La Salle o Ateneo ang kaharap. Biro namin sa kanila, dalawa lang ang university sa Pinas: UP and others. Pero tinuruan kaming mga taga-UP na maging mapagkumbaba. Tinuruang maglingkod sa sambayanan. Kasi naman, iskolar kami ng bayan. Ang tuition namin, napakamura. Sagot kasi ng taumbayan. Kaya kami nakapag-kolehiyo, dahil sa taumbayan.
Ito ang pinaka-masakit. Ipinagtanong ng mga taga-UP kung ano ang naging grado sa Cambridge ng UP scholar na si Miriam Defensor-Santiago. Ang sagot ng registrar: Walang naging ganung estudyante rito.
Lumiham sa Pilipino Star NGAYON o sa [email protected]

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest