Editoryal - Simula na ang reporma
March 6, 2001 | 12:00am
Wala nang dahilan para mag-urung-sulong ang Arroyo administration sa pagsasagawa ng reporma upang mapabilis ang pagsulong ng bansa. Ngayong idineklara na ng Supreme Court na wala nang karapatan ang napatalsik na si President Estrada, dapat magtrabaho nang todo-todo si President Gloria Macapagal-Arroyo at ang kanyang Gabinete. Pagsikapang maibangon ang ekonomiyang winasak ni Estrada. Ngayoy wala nang gaanong sagabal na nakikita kaya dapat nang isulong ang mga reporma upang makaakit muli sa mga dayuhang investors.
Ang pagkakaroon ng magandang ekonomiya ay matagal nang pinapangarap at hinihintay ng taumbayan. Isa ito sa isinisigaw sa EDSA noong People Power 2 na nagpatalsik kay Estrada. Sagad na sa hirap ang lahat. Marami na ang nagsasawa sa kahirapan at kailangang palitan na ang namumunong walang direksiyon upang umangat ang ekonomiya. At sapagkat alam ng taumbayan na ang kasanayan ni GMA ay sa larangan ng ekonomiya, marami ang naniniwala na magtutuluy-tuloy na ang kaunlaran sa bansang ito. Inaasahan din ng taumbayan na hindi na mauulit sa bagong administrasyon ang ginawang pandarambong ni Estrada na nagdulot sa kawalan ng pagtitiwala ng mga dayuhang mangangalakal.
Nang ihayag noong Biyernes ng gabi ang desisyon ng Supreme Court sa legalidad ng pag-upo ni GMA, ang pag-asa ng taumbayan ay tuluyan nang nabuhay. Hindi gaya ng dati na aandap-andap na parang mamamatay. Nawala na rin ang alinlangan sa Supreme Court na maaari silang bilhin. Bago lumabas ang desisyon, maraming balita ang kumalat na umanoy sinusuhulan ni Estrada ng malaking pera at biyahe sa Europe ang mga justices upang pumabor sa kanya. Hindi lamang ang taumbayan ang nagtiwala kundi pati na rin ang mga dayuhan na naging dahilan upang lumakas ang peso laban sa dollar.
Ngayong hindi na gaanong banta si Estrada kay GMA dapat niyang madaliin ang reporma upang matupad ang pangarap ng taumbayan. Tutukan din ang lumalaganap na kriminalidad, pagkalat ng bawal na gamot, ilegal na sugal, problema sa basura, matinding traffic, problema ng mga rebeldeng Muslim at marami pang iba. Ang gobyernong ito ay naitayo dahil sa sama-samang lakas ng taumbayan sa EDSA at nararapat lamang na gantihan ito ng mahusay na pamumuno upang maiangat ang kanilang mga buhay. Simulan na ang reporma Mrs. President. Nasa tamang landas at panahon ka na.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended