^

PSN Opinyon

Political dynasty ang pinaiiral

-
Talagang lokohan na lang ang nangyayari dito sa ating bansa pagdating sa pulitika. Tingnan na lang ninyo itong batas tungkol sa political dynasty. Maliwanag ang dahilan kung bakit ito ginawang batas. Subalit, nasusunod ba ito? Siyempre, hindi! Harap-harapang hindi ito sinusunod ng mga pulitiko at wala namang seryosong kumakalaban sa mga ito.

Ang isa sa mga hangarin ng nasabing batas ay upang mapagbigyan ng pagkakataong makapagsilbi ang iba at hindi katulad dati na para bagang nakarereserba na lamang sa mga miyembro ng pamilyang kasalukuyang naninilbihan. Ang kaugaliang ito ay minana pa natin sa ating mga ninuno noon pang panahon ng mga Kastila.

Maliwanag na nagaganap ito hindi lamang sa probinsiya kundi dito na rin sa Metro Manila. Sa Makati City, inilipat ang pagka-Mayor sa asawang babae sapagkat nakatatlong termino na. Ngayon, puwede na naman kung kaya’t tatakbong muli si lalaki bilang alkalde na naman. Sa Quezon City, ang anak naman ang pinatatakbo sapagkat tapos na ang termino ng ama nito na si Mayor Mel Mathay. Sa Marikina naman ay halos ganoon din. Tatakbo si Mrs. BF para pumalit na mayor sa kanyang mister na kumakandidato naman bilang isang kongresista.

Ganito rin ang sitwasyon sa Pasig City kung saan si Mrs. Eusebio ay papalit bilang alkalde sa kanyang mister. Maraming katulad nito ang nangyayari sa iba’t ibang lugar ng Pilipinas. Palit-palitan lamang ng mga magkakamag-anak sa ilang mga posisyon.Sila-sila lamang ang nagri-rigodon. Asawa sa asawa, ama sa anak, anak sa ama o ina, tiyo o tiya sa pamangkin. etc.

Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit pinapayagan ng mga maykapangyarihan ang mga pangyayaring ito. Hindi maitatatwa na hindi lamang labag sa batas ang bagay na ito kundi labag din sa batas ng tao, ang pagiging sakim sa kapangyarihan. Kayong mga mamamayan ang dapat humusga sa bagay na ito. Gamitin ang lakas ng boto ninyo. Bigyan ng aral ang mga hindi sumusunod sa batas.

MALIWANAG

MAYOR MEL MATHAY

METRO MANILA

MRS. EUSEBIO

PASIG CITY

SA MAKATI CITY

SA MARIKINA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with