^

PSN Opinyon

Malabo ang ipinadalang letter ni Dr. Campos

-
Nakaabot sa kaalaman ng column na ito na dahil marahil sa takot at kabado ay inunahan na ni Dr. Paulo Campos ng Medical Center Manila (MCM) ang mag asawang Henry at Gemma Magtalas na nagsumite ng reklamo sa Commission on Human Right (CHR) upang ipaabot ang kaso ni Jim Grayson Magtalas alias Jimboy na ngayon ay animo’y lantang-gulay ng limang taon dahil sa operasyon sa apendicitis at nasobrahan daw sa anesthesia.

Nang magtungo sa nasabing ospital ang dalawang abogado ng Commission on Human Rights upang magsiyasat sa kalagayan ni Jimboy ay laking gulat nila na taliwas sa mga reklamo ni Dr. Campos.

Tatlong beses na tumawag sa telepono ang OK KA BATA! sa tanggapan ng Legal Department at sa Office of the President ng MCM upang ipa-follow-up ang letter na nagsasaad ng kanilang panig upang mailathala sa Pilipino Star NGAYON subalit nagtuturuan ang dalawang tanggapan.

Ang matindi nito mga Kabayan, noong Martes ng hapon ay dumating sa tanggapan ng PSN ang dalawang representatives ni Dr. Campos at nagsabing ipinasusundo raw ako upang pumunta sa kanilang opisina at pag-usapan ang nasabing isyu pero hindi ako pumayag.

Hinalang-tama lamang ito Dr. Campos, may nakapagbulong sa OK KA BATA! na eksperto raw kayo sa "baligtaran". Kaya sorry Dr. Campos.

Hindi ako bagitong mamamahayag at kolumnista Dr. Campos para sumama sa inyong tanggapan at isa pa Dok, sanay nang tumanggap ng "death threat" ang OK KA BATA ! dahil araw-araw ay nag-aalmusal ako ng text messages nang pagbabanta sa buhay dahil sa mga isinisiwalat ko rito sa OK KA BATA!.

Biruin n’yo Dr. Campos, pagkatapos na makatikim ng maanghang na salita buhat sa inyo ay tinawag pa ninyong "big liar" ang column na ito.

Iginagalang ko kayo Dr. Paulo Campos bilang lolo dahil 80-anyos na kayo at National Scientist sa nuclear medicine ng bansa pero sa ginawa ninyong pag-alipusta, pangha-harass sa mag-asawang Magtalas kasama si Jimboy at ang column na ito ay hindi mangingiming muli ko kayong bigyan ng maikling espasyong banat. Hindi ang isyu ng comatose ang pinag-uusapan na rito kundi ang isyu ng harassment.

CAMPOS

DR. CAMPOS

DR. PAULO CAMPOS

GEMMA MAGTALAS

HUMAN RIGHT

HUMAN RIGHTS

JIM GRAYSON MAGTALAS

JIMBOY

LEGAL DEPARTMENT

MEDICAL CENTER MANILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with