^

PSN Opinyon

GMA: 'I would like to be a good President'

-
May napapansin ba kayong pagbabago sa administrasyon ngayon kung ikukumpara sa mga administrasyon ng nakaraan? Parang alam ko na ang kasagutan ninyo. Wala! Halos pareho lang, di po ba? Nariyan pa rin ang mga trapos, mga balimbing, mga kabarkada, mga pinagkakautangan ng loob at iba pang mga asungot. Ang pagkakaiba lang marahil ay sa hugis at taas ng lider ngayon.

Kung sabagay, may ilang linggo pa bago mag-100 araw, ang dapat sanang tradisyonal na panahon na ibinibigay sa isang bagong administrasyon bago husgahan, ngunit hindi ko na matiis na magkimkim ng damdamin sa mga kasalukuyang nagaganap sa ating bansa.

Wala akong dahilan upang tuligsain at siraan si President Gloria Macapagal-Arroyo at ang kanyang pamahalaan sapagkat isa ako sa maituturing na nag-alay ng buhay upang patalsikin si dating President Erap sa Malacañang. Hindi ako naghangad ng posisyon o anumang pabuya sa ginawa kong pakikihimagsikan. Tama na sa akin ang nakatulong ako na mailuklok si GMA sapagkat iyan ang kaganapan ng aming pakikibaka.

Hindi ako natutuwa sa nakikita kong nangyayari ngayon. Sa simula pa lamang ng pagpili sa mga pinuno ng pamahalaan, may kaguluhan na kaagad. Nararamdaman mo tuloy na hindi maayos ang patakarang pinaiiral sa paghihirang. Tingnan na lang ang nangyari kay Mike Defensor na nahirang ni GMA upang mamahala sa Housing. Nag-appoint ng mga opisyal na may kinalaman sa departamento ni Defensor nang hindi man lamang ipinadaan o ipinaalam man lamang sa kanya. Kaya, ayun, hindi pa man nakakaupo, gusto na kaagad mag-resign si Mike.

Tunay namang napakarami pang kapalpakang nagaganap ngayon sa administrasyong ito. Katulad na lang nitong kaguluhan sa Navy at Marines. Mukhang hindi malaman ng Malacañang kung papaano reresolbahin ang kontrobersiya rito. Ang Navy Chief na si Rear Admiral Guillermo Wong na nagparatang na may nagaganap na anomalya sa Marines ang napatalsik at naparusahan. Ay, taksiyapo, abe. Makananu na!

Ilan lamang ito sa aking napupuna ngayon. Sana naman ay maituwid kaagad ni GMA ang mga kamalian ngayon ng kanyang pamamahala upang hindi na dumating pa sa panahon ng pagsisi. Ako ay nag-aabang na mapatunayan ang katagang namutawi sa labi mismo ng Presidente ang "I would like to be a good President."

vuukle comment

ANG NAVY CHIEF

ILAN

MALACA

MIKE DEFENSOR

PRESIDENT ERAP

PRESIDENT GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

REAR ADMIRAL GUILLERMO WONG

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with