^

PSN Opinyon

Coma si Jimboy at pinagpipilitang ilabas sa ospital

-
Katulad ng isiniwalat ng column na ito noong Biyernes hinggil sa kinawawang pasyenteng si Jimboy Magtalas ng mga kaalyadong Chief nurse, head nurse, chief security at ilang maintenance personnel ni Dr. Paulo Campos na may-ari ng Medical Center Manila (MCM), patuloy pa rin daw nakararanas ng panggigipit o harassment ang comatose na pasyente at tiyahin nitong si Maribeth na nagbabantay dito.

Alam n’yo bang galit na galit na sinugod ni Dr. Paulo Campos ang tanggapan ng Star sa Port Area, Manila noong Biyernes ng hapon at pinagpipilitang kausapin ang Presidente at CEO ng Pilipino Star NGAYON na si Boss Miguel Belmonte upang ipasibak ako sa isyu ni Jimboy.

Hindi lang pala pasyenteng naka-comatose na tulad ni Jimboy ang ibig wasakin, pati pala out-patient na OK KA BATA! pinagtri-tripang gibain. Style n’yo bulok.

Sa impormasyong nakalap ng OK KA BATA! pinabantayan sa mga security guard ang pintuan ni Jimboy sa Room 818-1 upang hindi makapasok ang sinumang nagtatangkang maki-uzi- o makapanayam ng mga mamamahayag ang bantay ni Jimboy.

Ilang beses nang nagdaos ng kaarawan si Jimboy magmula pa noong 1996 sa nasabing ospital at ngayon ay muling magdaraos ng ika-18 taong birthday sa March 13.

Ayon sa mag-asawang Gemma at Henry, magmula raw noong Feb, 19, 2001 ay malimit na naantala ang pagkain ni Jimboy sa hindi maipaliwanag na kadahilanan partikular na ang ginagamit na pampers ng kawawang pasyente. Wala yatang konsiyensya ang mga robot ni Dr. Campos na sina Fatima Hornilla, chief nurse; Marilyn Ang, head nurse, at Fernando Londres, chief security na sapilitang inilipat si Jimboy sa Room 818-1 mula sa Room 5542 kahit walang pahintulot sa mag-asawang Magtalas at sa nagbabantay na si Maribeth. Kung ma-comatose kaya ang inyong mga anak o apo at ganoon din ang gawin, ano naman kaya ang inyong magiging feeling. Mga hinayupak kayo, dapat sa inyo lagyan ng radiation sa katawan para maging "Incredible Hulk".

Estilong walang modo ang ginawang paglilipat kay Jimboy sa ibang kuwarto mga kabayan. Pinatawag sa telepono ang bantay ng nasabing pasyente sa labas ng Room 5524 bago nagmamadaling iniligpit lahat ng gamit at inilipat sa Room 818-1.

Ang masakit pa nito, nang ipatawag ang mag asawang Gemma at Henry Magtalas sa tanggapan ni Dr. Campos ay nakatikim ang mga ito ng maanghang na salitang estilong Erap at pinagpipilitang ipauwi na sa mag-asawa si Jimboy dahil magaling na raw ito at baka raw mamatay pa sa ospital.

Walastik naman kayo Dr. Paulo Campos, kauna-unahan pa naman kayong national scientist ng bansa sa nuclear medicine ay nagkomento kayo na magaling na si Jimboy. Meron ba naman magaling na naka-comatose dahil sa nasobrahan sa anesthesia kaya na-brain damage ang bata. Hindi naman kayo doktor sa National Hospital for Mental Patient.

Pinagpipilitan din daw ni Dr. Campos sa mag-asawang Magtalas na walang kasalanan ang kanyang ospital bagkus ang itinuturo ay ang doktor na nagbigay ng anesthesia kay Jimboy. Parang sinabi n’yo Dr. Campos sa mga pulis na imbestigador na may humiram ng inyong baril at ginamit sa krimen kaya wala kayong kargo-de-konsensiya sa kaso.

Ang matindi pa nito mga kabayan, malimit na makatanggap ng tawag sa telepono mula sa hindi kilalang boses lalaki ang ama ni Jimboy na nagsasabing "mas mabuti pang tumigil na kayo, hindi n’yo kayang banggain si Dr. Campos na isang harasstist este scientist.

Abangan naman ninyo sa Biyernes ang ginagawang panggigipit o harassment sa mga manggagawa ng MCM. Walang personalan Dr. Campos, trabaho lang ng OK KA BATA! na ibulgar ang mga anomalya at maitim na balak laban sa sinumang biktima.

BIYERNES

BOSS MIGUEL BELMONTE

CAMPOS

DR. CAMPOS

DR. PAULO CAMPOS

FATIMA HORNILLA

FERNANDO LONDRES

HENRY MAGTALAS

JIMBOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with