^

PSN Opinyon

May kabit si Tatay, may kabit si Nanay

-
Noong 1998 nadiskubre po ni Nanay si Tatay na may relasyon sa isang babaing kaibigan ng aming pamilya. Ang relasyon na iyon ay may isang taon na pala.

Nagkahiwalay sina Nanay at Tatay dahil doon. Hanggang sa dumating din ang araw na may nanligaw kay Nanay na dati niyang kasintahan. Hindi ko naman alam kung bakit nagkaroon din sila ng relasyon. Nalaman ni Tatay ang relasyon ng magkasalubong sila ni Nanay sa isang mall, kasama ang lalaki nito.

Naging mabigat ang problema nang magkaroon ng kaso. Gusto ni Nanay na humingi ng suporta kay Tatay. Ayaw namang magbigay ni Tatay dahil may kanya-kanya na silang buhay.


Tama pa po ba si Nanay? Nakakahiya naman yata ito. –Matilde ng Sampaloc, Manila

May karapatan ang iyong ina na humingi ng suporta habang hindi pa siya nahahatulan ng adultery. Kapag nahatulan na siya ng adultery, ang desisyong ito ay magiging depensa laban sa aksyon ng suporta (Quintana vs. Lerma, 24 Phil 285).

Ang magiging basehan ng karapatan ng iyong ina ay ang Art. 195 (1) ng Family Code, na obligado na magbigay ng suporta sa isa’t isa ang mag-asawa.

Ang iyong ama at ina ay parehong may kasalanan. Mayroong prinsipyo sa batas na "in pari delicto" – ang ibig sabihin ay parehas na may kasalanan. Kapag parehong may kasalanan ang mga partido ay magiging patas sila at sasabihing parehong gumalaw in good faith.

AYAW

FAMILY CODE

HANGGANG

KAPAG

LERMA

MATILDE

MAYROONG

NAGKAHIWALAY

NANAY

TATAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with