EDITORYAL - Walang mahirap, walang mayaman
February 18, 2001 | 12:00am
Magkakaroon lamang ng lubusang tiwala ang taumbayan sa gobyerno ni President Gloria Macapagal-Arroyo kung makapagpapakulong siya ng mga government officials na umabuso, nagnakaw at nagpakalasing sa kapangyarihan. Isa ito sa mga minimithi ng taumbayan – ang gumana ang ngipin ng batas sa bansang ito hindi lamang sa mga mahihirap kundi pati na rin sa mayayaman. Kung hindi ito maipatutupad ng gobyerno ni GMA, bigo siya sa ipinangako at sinumpaang tungkulin. Dapat mabago ang masamang impresyong may kinikilingan ang batas. Isang halimbawa ay ang kaso ng napatalsik na si President Estrada. Nararapat nang gumiling ang batas sa kaso ni Estrada upang magkaroon ng tiwala ang lahat sa justice system ng Pilipinas.
Habang tumatagal ang pag-iimbestiga sa kasong plunder ni Estrada, maaaring maging dahilan ito upang makahakot pa siya ng mga supporters at lalong ipilit na siya pa rin ang Presidente ng Pilipinas. Maraming magagawa si Estrada na maaring maglagay sa isang hindi magandang sitwasyon kung hindi mamadaliin ang kanyang kaso. Magiging katulad din ito ng kaso ng mga Marcoses na hanggang sa kasalukuyan ay wala pang nangyayari. Maraming pang-aabuso ang naganap noong Marcos regime subalit nalimutan na rin at ngayo’y nasa puwesto pa sila. Nakapagmamalaki pa nga sila gaya ng ginagawa ni dating First Lady Imelda Marcos.
Maaaring ganito rin ang sapitin ng kaso ni Estrada kung hindi magiging seryoso ang pamahalaan sa pagpapabilis ng kaso. Mababaon din sa limot samantalang gumagapang din para makahawak muli sa puwesto. Si dating First Lady Loi Ejercito ay kandidatong senador ng ‘‘Puwersa ng Masa’’ at marami ang nagsabing pinilit lamang ito ng kanyang asawang kumandidato para maipakitang hindi pa sila bagsak at mahal pa ng taumbayan.
Ang leksiyon ng pagkakabalik ng mga Marcos ay hindi na dapat mangyari sa mga Estrada. Malaking pagkakamali kung ang isang isinuka na ay lululunin pang muli. Tama na at dapat nang matauhan ang masa. Nakita na ang ebidensiya sa maling pamumuno na nagdulot ng grabeng hirap sa maraming Pilipino. Ngayo’y dapat lamang na magpursige si GMA na maisilbi ang kaparusahan kay Estrada. Hindi niya dapat ikumpromiso ang katarungang hinihingi ng mamamayan dahil sa pang-aabuso sa tungkulin at pagpapayaman ng napatalsik na Presidente. Dapat mauna ang katarungan at saka na muna ang pagpapatawad. Walang mahirap, walang mayaman sa paghingi ng katarungan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended