^

PSN Opinyon

Ex-mayor ikinakampanya ng kanyang mga anak na h'wag iboto

-
Alam n’yo bang hindi pa panahon ng kampanya ng mga kandidato sa mga local officials ay ikinakampanya na itong isang ex-mayor ng kanyang mga anak upang huwag iboto?

Ayon sa aking bubuwit, happy birthday muna kina Sen. Juan Ponce Enrile, Kris Aquino, Col. Willy Dulay, Danny Diaz ng Anito; Manong Val Ancheta, Peachy King, Reison Cordero, James Lising, Allen Valerio, Nilo Bande, Allan Garcia, Darry Viray, Joselito Felipe at Roy Masangkay.

Binabati ko rin sina May Purificacion at Gigi Gutierrez ng AFPMBAI.
* * *
Alam n’yo bang hindi pa nagsisimula ang kampanya para sa mga kandidato ng mga local officials ay nangangampanya na ang pamilya ng isang ex-mayor?

Ayon sa aking bubuwit, kakaibang kampanya ang ginagawa ng mga anak ng ex-mayor. Kakaiba sapagkat ang kanilang panawagan ay huwag iboto ang kanilang ama.

Alam n’yo ba kung bakit ganito ang kanilang kampanya laban sa kanilang amang ex-mayor?

Kasi hindi nagbibigay ng sustento sa kanyang mga anak ang walanghiyang ex-mayor.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, lima pala ang naging asawa ng ex-mayor at ang malungkot dito, hindi binibigyan ang mga anak ng sustento.

Salbahe ka ex-mayor, bakit hindi mo ginaya si dating President Erap?

Kahit hindi mo mabigyan ng Boracay mansion at log cabin ang iyong mga anak, sana ay mabigyan mo man lamang sila ng sustento.

Ayon sa aking bubuwit, itong original family ni ex-mayor ay hindi na naghahangad ngayon ng sustento sapagkat malalaki na ang kanyang mga anak.

Ang malungkot ay itong dalawang anak niya sa isang foreigner ay matagal nang walang sustento.

Hindi rin siya nagbibigay ng sustento sa anak ng isang professor na naasembolan niya ng apat na anak.

Wala rin siyang sustento sa tatlong anak niya sa isang tinaguriang Madam X sa Mt. Province.

Ang mga ito ay kinalimutan na ni ex-mayor sapagkat may bago na naman siyang foreigner na chiching. Ito ay isa namang Russian na 22-anyos lamang at nagngangalang Elizabeth.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, dahil pinabayaan na ni ex-mayor ang kanyang mga anak sa iba’t ibang chiching, ang mga ito ay nangangampanya ngayon na huwag iboto ang kanilang ama.

Si ex-mayor ay malamang na matalo o ma-disqualify. Kasi, bukod sa galit na mismo ang kanyang mga pamilya sa kanya, ito ay kakandidato pa sa ibang siyudad.

Dati ay mayor siya sa isang lugar sa Mt. Province subalit ngayon ay kakandidato naman ngayon sa isang siyudad sa Pangasinan.

Ang dami mo namang address, sir!

Ang ex-mayor na hindi nagbibigay ng sustento sa kanyang mga pamilya ay si...

Mukhang malabo na ang kita niya sa panggagamot.

Ito ay walang iba kundi si dating City Mayor R.M. as in Romualdez Marcos.

ALAM

ALLAN GARCIA

ANAK

AYON

MAYOR

MT. PROVINCE

SUSTENTO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with