EDITORYAL - Nakaninerbiyos na sa UP Diliman
February 11, 2001 | 12:00am
Marami nang madudugong insidente ang nangyari sa loob mismo ng University of the Philippines, Diliman, Quezon City. Bukod sa mga away ng mga magkakalabang fraternities na nagbubunga ng patayan, nakapasok na rin dito ang mga halang ang kaluluwa. Malaya silang nakapagdadala ng baril at kasunod ay ang pagbuga na ng kamatayan.
Marami nang dugong umagos sa UP at karamihan dito ay hindi naman nalutas ng mga inutil na awtoridad. Ang huling madugong insidente rito ay ang pagkakapatay kay labor leader Felimon Popoy Lagman ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP) noong Martes. Patraidor na binaril ng apat na beses si Popoy. Walang anumang tumakas ang apat na kalalakihan.
Noong 1999 ay binaril din dito si Niño Calinao, isang graduating student. Malagim ang kinasapitan ni Niño sapagkat maagang inagaw ng kamatayan ang mga pangarap. Hindi na niya nabigyan ng magandang buhay ang kanyang mga mahihirap na magulang. Hanggang sa kasalukuyan, wala pang linaw ang kaso ni Niño. Makakabilang na rin siguro ito sa mga kasong natambak na hindi nagkaroon ng hustisya. Patuloy na gagala ang mga halang ang kaluluwa sa UP campus at marami pa ang mga mamamatay dito.
Sinabi ng pulisya na tatlo sa mga assailants ni Popoy ang kilala na. Maraming anggulong tinitingnan sa pagpatay. May nagsasabing isang organized group ang nasa likod nito. Sinasabi ring mga dating kasamahan ni Popoy sa Alex Boncayao Brigade (ABB) ang gumawa nito. Marami umanong nakabangga si Popoy at matagal nang nakaplano ang pagpatay dito. Nabanggit din na ang nasa likod ng pagpatay ay ang napatalsik na si President Estrada at si dating Philippine National Police (PNP) chief Director Gen. Panfilo Lacson. Itinanggi naman ito ni Lacson.
Parang naghahanap ng karayom sa tambak ng dayami ang mga awtoridad sa pagpatay kay Popoy. Nangangapa sila at hindi malayong matulad din ito sa kaso ni Niño Calinao. Dapat itong tutukan ni acting PNP chief Deputy Director Leandro Mendoza upang mahuli ang mga salarin. Panahon na rin para magkaroon ng mabuting seguridad sa UP upang hindi na ito maulit. Inutil ang mga nasa UP police force na madalas malusutan ng mga halang ang kaluluwa. Nagiging pugad na tuloy ng karahasan ang UP dahil sa inutil na sistema at ningas-kugong gawain ng mga awtoridad dito.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended