^

PSN Opinyon

'Star Trek' pugad ng mga pulis-SPD

-
Parang nabunutan ng malaking tinik sa dibdib ang kapulisan sa pagkawala ni dating PNP Chief Gen. Panfilo "Ping" Lacson. Ito ay sapagkat muling nabuhay ang nightlife sa mga club, KTV at diskuhan sa Kamaynilaan.

Subalit karamihan naman sa mga may-ari ng club, KTV at diskuhan ay nalungkot samantalang ang iba nama’y naasar dahil balik na naman ang pang-iistorbo, pang-oorbit at sign-chit ng mga ng pulis.

Hindi katulad noong aktibo pa ang Presidential Anti-Organized Crime Task Force (PAOCTF) na halos lahat ng kapulisan sa kamaynilaan ay bahag ang buntot at hindi pumapasok sa alinmang club, diskuhan at KTV dahil baka matiyempuhan sila sa loob nito.

Sa mga hindi nakaalam kung ano ang nangyayari sa PNP. Ganito ang nangyari noon: Nang maging PNP chief at hepe ng PAOCTF si Lacson, nagpalabas ito ng mahigpit na kautusan na nagbabawal sa lahat ng kapulisan na pumasok at uminom ng alak sa alinmang diskuhan, club at KTV. Kapag natiyempuhan ng mga ipinakalat na PAOCTF marshal ay siguradong sibak. Kasama na rito ang pang-oorbit at pangongotong.

Kaya ang nangyari ay nagsulputan ang mga protesta mula sa iba’t ibang hanay ng kapulisan subalit walang epekto ang protesta na nauwi sa lalong paghihigpit kasabay nang panlulumo ng mga pulis na mahilig mag-sign chit at omorbit sa mga diskuhan at KTV.

Halimbawa nang madalas pasukan ng mga kagawad at opisyal ng PNP na nakatalaga sa Southern Police District (SPD) ay ang Star Trek KTV sa Parañaque City.

Ang Star Trek ay pinamumugaran ng mga kabataang kababaihan na ipinapain sa mga Chinese at Japanese national na kliyente.

Ang nasabing KTV ay pagmamay-ari ng isang nangangalang "Jolly Teng" na malapit na kaibigan ng isa sa mga anak ng napatalsik na si President Estrada.

Kaya tuloy hindi maipasara ang Star Trek nina NCRPO Director Edgar Aglipay, Senior Supt. Manuel Cabigon at Parañaque City Mayor Joey Marquez ay dahil sa takot nilang masibak sa puwesto. Pero ngayong wala na sa puwesto ang kinatatakutang nagsabi ng "weder-weder lang ‘yan" baka maipasara na ang Star Trek.

Kabilang sa mga nang-istorbo at balik-orbit tuwing Linggo ay isang nagngangalang Ruel Ricafort na tauhan umano at cup bearer ni Parañaque Mayor Joey Marquez.

Ngayon masusubok ang katinuan ng mga police at local government officials sa Parañaque para maipasara ang Star Trek – ang pugad ng kadiliman.

ANG STAR TREK

CHIEF GEN

CITY MAYOR JOEY MARQUEZ

DIRECTOR EDGAR AGLIPAY

JOLLY TENG

KAYA

KTV

LACSON

STAR TREK

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with