^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Sa Cabinet ni GMA: Taumbaya’y h’wag biguin

-
Magtrabaho para sa kapakanan ng taumbayan at hindi sa pinunong ang iniisip ay sariling kapakanan. Ang mga salitang ito’y patungkol namin sa mga bagong appoint na Cabinet member ni President Gloria Macapagal-Arroyo. Hindi dapat biguin ng mga bagong miyembro ng Cabinet ang taumbayang nakasadlak sa hirap. Matagal silang umasa sa pangako ni Estrada na wala namang natupad. Sa pagkakataong ito, hindi na dapat mabigo ang taumbayan. Gawin ang lahat ng makakaya.

Nabigo ang taumbayan sa Department of Public Works and Highway na makapagbigay ng mabuting serbisyo. Naging talamak pa ang kurakutan sa ahensiyang ito na kinunsinte naman ni Estrada. Masisiyahan ang taumbayan kung malilinis ni Sec. Simeon Datumanong ang ahensiyang ito sa katiwalian. Nabigo rin ang taumbayan sa Department of Energy sapagkat ang dating Secretary nito ay nagmistulang spokesman ng tatlong malalaking kompanya ng langis. Sunud-sunod ang pagtaas ng gasolina na nagpahirap sa taumbayan. Nabigo rin ang taumbayan sa Department of Education, Culture and Sports sapagkat mas inuna pa ng mga dating pinuno rito ang pagbili ng mga mamahaling sasakyan kaysa sa kapakanan ng mga kawawang guro na karampot ang sahod. Dapat ibangon ni Sec. Raul Roco ang DECS.

Nabigo ang taumbayan sa Metro Manila Development Authority sapagkat ang problema sa basura at trapiko ay hindi nalutas. Ngayo’y namamaho ang Metro Manila sa kawalan ng remedyo sa basura samantalang ang problema sa trapiko’y lalo namang lumala. Ano ang magagawa ni MMDA Chairman Benjamin Abalos sa problemang ito? Malaki ang kabiguan ng taumbayan sa National Bureau of Investigation na ang paglutas sa mga malalaking kaso ay hindi napagtagumpayan at ang iba ay napagtatakpan. Tulad ng pag-iimbestiga sa mga mansions ni Estrada na hanggang ngayo’y balot ng misteryo. Ano ang gagawin ni Reynaldo Wycoco upang mabihisan ang NBI?

Mas lalong bigo ang taumbayan sa Philippine National Police na magpahanggang sa kasalukuyan, marami pa ring corrupt na pulis. Maraming krimen na hindi naaasikaso at hanggang sa kasalukuyan, ang malagim na pambobomba noong December 30, 2000 ay kinalimutan na. May mga dinampot na suspect subalit malaki ang posibilidad na sila’y mga fall guy.

Ilan lamang ang mga ito sa mga bumigo sa taumbayan sa nakaraang administrasyon. Ngayo’y mataas ang pagtingin sa mga bagong appoint ni GMA. Nangangarap ang taumbayan na hindi sila mabibigo ngayon. Tama na ang maraming kabiguan.

vuukle comment

ANO

CHAIRMAN BENJAMIN ABALOS

CULTURE AND SPORTS

DEPARTMENT OF EDUCATION

DEPARTMENT OF ENERGY

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAY

NABIGO

TAUMBAYAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with