^

PSN Opinyon

Mataas na PNP official nasa likod ng bombings?

-
Sari-Saring kuru-kuro ang lumalabas kung anong grupo ang nasa likod ng sunud-sunod na bombahan noong Sabado kung saan marami ang namatay at nasugatan. Kahit ang Malacañang ay naguguluhan din. Itinuturo nila ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) na may ugnayan sa grupo ng komunista pero patuloy pa rin ang pagsasaliksik nila dahil alam nilang malalim ang kaso.

Sa tingin ng aking mga nakausap mukhang ang bombahan ay isinagawa para ma-preempt ang isang malakihang kilos para mapatalsik sa puwesto si Presidente Estrada. Ang malungkot lang dito, dahil sa kagustuhan ng mga grupong sila ang uupo sa Malacañang, marami ang nadadamay na sibilyan na wala namang kinalaman sa usapan.

Dahil sa kaguluhan noong Sabado, ang kampo ngayon ng pulisya at militar ay nagtitiktikan para alamin kung sino sa kanila ang may kinalaman sa bombahan. Sinabi ng aking mga nakausap na senior at junior military at police officials na hindi totoo ang binabanggit ni PNP Chief Director General Panfilo Lacson na wala silang kakayahan na pakinggan ang mga usapan ng ating pulitiko at opisyales na hinihinalang ayaw na kay Estrada. Ang Presidential Anti-Organized Crime Task Force (PAOCTF) ay may kakayahan, anila.

Sa parte naman ng militar ang taga-Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP) ay may bugging device rin. Sa sitwasyong political ngayon ng bansa, ang PAOCTF at ISAFP ay kapwa nasa bugging operations. Ang ibig kong sabihin ay pinapakinggan o minamanmanan nila ang ginagawa ng bawa’t isa. Kaya’t halos lahat ng opisyales ng militar at pulisya sa ngayon ay ayaw na halos gumamit ng telepono dahil alam nilang naka-bug ang mga ito. Hindi nila alam kung sino ang nakikinig sa kanilang usapan.

Matatandaan na itong si Lacson at Lt. Gen. Jose Calimlim, na hepe ng ISAFP ay hindi magkasundo. Bawa’t isa sa kanila ay may sariling interest kaya’t hindi nalalayo na sila-sila mismo ay nag-aamuyan.

Ang balitang kumakalat sa Camp Crame ay mga sibilyan ang may pakana ng bombahan. Ang nasa likod umano ng grupo ay ang isang mataas na opisyal ng pulisya na may sariling ambisyon din sa buhay. Subalit alam na ng disgruntled na opisyales ng pulisya kung sino itong tinutukoy nating opisyal ng PNP. Nagmamasid sila at kapag may sapat na silang katibayan, lulutang ang kanilang grupo at pipigilin ang anumang balak niya at ng kanyang grupo. Malalim ang kasong ito kaya dapat mag-ingat ang mamamayan na nadadamay kahit wala silang kasalanan.

ANG PRESIDENTIAL ANTI-ORGANIZED CRIME TASK FORCE

BAWA

CAMP CRAME

CHIEF DIRECTOR GENERAL PANFILO LACSON

INTELLIGENCE SERVICE OF THE ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

JOSE CALIMLIM

MALACA

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

PRESIDENTE ESTRADA

SABADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with