^

PSN Opinyon

Balik-tanaw sa kasaysayan ng medisina (1)

-
Ngayong matatapos na ang 2000, sandali nating balikan ang makulay na kasaysayan ng medisina.

Noong 3,000 B.C. isang haliging bato ang natagpuan sa Babylon na may mga nakaukit na ganitong salita: "Kung ang doktor sa pag-oopera niya sa namamagang sugat ay napatay ang pasyente, nararapat na putulin ang kanyang mga kamay."

Walang nakaaalam kung gaano karaming doktor ang nagdurusa dahil sa batas na ito. Ganoon pa man kung isang alipin (slave) ang naging pasyente ng doktor, walang kaparusahang ipapataw subalit ipinag-uutos naman ng batas na palitan ng doktor ang aliping namatay ng panibagong alipin.

The practice of medicine in Babylon was quite fascinating. Gumagamit ang mga doktor ng herbal medicines at kung minsa’y nagsasakripisyo ng hayop upang masabi kung ano ang sakit ng pasyente. Kung ang professional na doktor ay hindi magamot ang pasyente, isang kakatwang bagay ang gagawin. Hihiga ang pasyente sa gitna ng kalsada at ang mga nagdaraan ang magbibigay naman ng medical advice rito. (Itutuloy)
* * *
Greeting to all my co-alumni of the University of the Philippines High School Class of 1950 and congratulations on our Golden Jubilee. Huwag ninyong kalilimutang mag-attend ng ating reunion dinner sa Huwebes (December 28) sa Century Park Hotel Ballroom ganap na alas-6:30 ng gabi. Admission and dinner will be free for all Class 50 alumni and their respective partners. Happy birthday to Mrs. Paz King. Maligayang Pasko sa mga readers ng Pilipino Star NGAYON.

CENTURY PARK HOTEL BALLROOM

DOKTOR

GANOON

GOLDEN JUBILEE

GUMAGAMIT

HIHIGA

MALIGAYANG PASKO

MRS. PAZ KING

PILIPINO STAR

UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES HIGH SCHOOL CLASS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with