^

PSN Opinyon

Robin, Imee halata kung para kanino

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

Kumalat ang meme: si Senator-Judge Robin Padilla raw ay parang system loss ng electricity provider. Panay umano ang bayad mo maski wala kang pakinabang.

Nu’ng Agosto inusisa niya si Commission on Aduit lawyer-accountant Roderick Wamil. Katatapos lang noon ni Wamil tumestigo tungkol sa P612.5 milyong confidential funds ni Sara Duterte sa OVP at DepEd.

Tinanong ni Robin kung nakaakyat at gumala na sa bundok si Wamil. Hindi. Tinanong din kung alam ni Wamil na December 26 ang petsa ng pagtatag ng Communist Party of the Philippines. Hindi. Tinanong kung alam niya na March 29 ang petsa ng pagtatag ng New People’s Army. Hindi. Tinanong kung alam niya ang April 24 petsa ng pagtatag ng National Democratic Front. Hindi pa rin.

Photo from Robin Padilla/Facebook

Tapos, binulalas ni Robin ang punchline: “Alam ba ni Wamil na kaya walang gulo nu’ng Dec. 26, Mar. 29, at Apr. 24 ay dahil sa paggasta ni Sara ng P612.5 milyon laban sa CPP, NPA, NDF?”

Natural, hindi makasagot si Wamil. Hindi kasi sakop ‘yon ng pag-audit niya sa confidential funds ni Sara. Ang sakop lang ay kung may mga resibo ang mga umano’y ginastahang produkto, gamot, computers, upa, at rewards.

Akala malamang ni Robin ay naipakita niya ang sariling galing. Pero di tulad ng tiyan, hindi nag-aalerto ang utak kung wala itong laman.

Inusisa rin ni Senator-Judge Imee Marcos si Wamil. Ipinilit nito na ang dapat managot sa P612.5 milyon ay ang special disbursement officers ng OVP at DepEd. Tugon ni Wamil, ayon sa COA joint memorandum, ang head of agency na si Sara ang may pananagutan. Dahil du’n, sinigawan at ina­way siya ni Imee.

Alam ba nina Robin at Imee na dapat patas sila at hindi pro-Sara?

ELECTRICITY

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with