JBM Patrol system, rumaratsada sa Central Luzon!
BUMABA ng 16.82 percent ang Focus Crimes sa Central Luzon at binigyan kredito ni PRO3 director Brig. Gen. Jess Mendez ang pagpapatupad ng JBM Patrol system. Sinabi ni Mendez na ang resulta ay pinagtibay ng pagpanatili ng nakikita at may kahulugang presensiya ng pulisya sa kalye. Para sa komunidad sa Central Luzon, itong pakinabang ay nagresulta ng komonting biktima, lumiliit na droga at loose frearms sa kalye, at konting wanted persons na gumagala sa Central Luzon.
“Greater police visibility also brings law enforcement closer to residents, allowing personnel to respond more quickly to concerns and address potential threats before they escalate,” ayon kay Mendez.“The real measure of our JBM patrol system is not simply how many personnel are deployed, but whether their presence helps make communities safer. When crimes decrease, wanted persons are arrested, and illegal drugs and firearms are removed from the streets, our people benefit directly,” ayon pa kay Mendez. “That is the kind of police presence we want our communities to feel,” ang dagdag pa ni PRO3 director.
Anong sey n’yo mga kosa? Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?
Ayon sa datos ng PRO3 ang focus crime incidents ay bumaba mula 107 na kaso mula Agosto 9 hanggang Agosto 22, hanggang 89 na kaso nitong Agosto 23 hanggang September 5. Ang nagtala ng pinakamalaking pagbaba ay ang kasong murder sa 62.5 percent; homicide sa 50 percent, rape sa 38.46 percent, theft sa 17.39 percent at motorcycle carnapping sa 18.18 percent. Ehem, ehem!
Teka, teka! Itong JBM Patrol system mga kosa ay ipinatupad ni Mendez noong Agosto 15 at ang disenyo nito ay upang palakasin ang police visibility at bigyan kahalagahan at isulong ang makahulugang patrol deployment, upang maging responsive ito at naka-focus sa aktuwal na peace at ibang concerns ng komunidad. At mula Agosto 15 hanggang September 5, nagtala ng malaking tagumpay sa buong Central Luzon ang naturang sistema. Kasama na dito ang pag-aresto sa 111 katao na sangkot sa droga, at pagkumpiska ng P3.61 halaga ng droga. Na-account din ng PRO3 ang 258 loose firearms, at 21 katao ang inaresto samantalang 91 kaso ang isinalang sa korte. Sa parte naman ng wanted persons, at 382 ang inaresto. Purbidang yawaahhhhh! Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!
Hindi pa pala tapos! Sa pag-implement ng local ordinances, may kabuuang 226,431 katao ang inaresto at kumita ang kaban ng probinsiya ng P14.33 bilang multa. Sa illegal gambling naman, 244 katao ang inaresto, at nakakumpiska rin ng P874,887 na smuggled goods at pekeng sigarilyo. Saan ka pa? Abangan!
- Latest




















