^

PSN Opinyon

Salamat at sarado na ang jai-alai

-
Noong nakaraang linggo, ibinaba ng Korte Suprema ang desisyon nitong tuluyang ipasara ang operasyon ng jai alai sa ating bansa. Ito ay batay sa petisyon na aming isinampa nina Reps. Raoul del Mar at Federico Sandoval II ukol sa kasunduan ng PAGCOR at Belle Corporation and Filipinas Gaming Entertainment Totalizer Corporation (FILGAME). Sa nasabing petisyon, aming binatikos ang kontratang ito sa kadahilanang labag ito sa ating Saligang Batas at walang kapangyarihan ang PAGCOR na pumasok sa ganitong kasunduan.

Ayon sa naging desisyon, kinatigan ng Korte Suprema ang aming alegasyong ang pagbigay ng prangkisa ay nasa ilalim lamang ng hurisdiksyon ng lehislatura. Nakasalalay ang interes ng ating mga mamamayan sa pagbibigay ng nasabing prankisa. At dito napatunayang illegal ang prangkisa na ibinigay ng PAGCOR sa mahigit na 22 taong operasyon ng jai alai.

Ibinasura rin ng Korte Suprema ang argumento ng PAGCOR na masasayang ang pondong nakukuha ng pamahalaan sa operasyon ng jai alai. Walang laki ng halaga ang maaaring katumbas ng pagsasaayos ng moralidad at kultura ng ating mamamayan. Hindi pa rin huli ang lahat upang hubugin natin ang ating mga kabataan sa kultura ng sariling sikap, tiyaga, talino at pagtitiwala sa sariling kakayanan.

Ang tuluyang pagpapasara ng jai alai sa ating bansa ay nagbigay liwanag sa nalulugmok na moralidad sa ating bansa.

Mabuhay ang ating hustisya.

ATING

AYON

BELLE CORPORATION AND FILIPINAS GAMING ENTERTAINMENT TOTALIZER CORPORATION

FEDERICO SANDOVAL

IBINASURA

KORTE SUPREMA

MABUHAY

NAKASALALAY

SALIGANG BATAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with