Papuri sa dakilang doktora
November 26, 2000 | 12:00am
Marami ang nakakakilala kay Dr. Fe del Mundo na ang pangalan ay nangangahulugan sa wikang Ingles na faith of the world. Masasabing si Dr. del Mundo ay isang dakilang manggagamot at isang woman for all seasons. Bukas ay ika-94 na kaarawan ni Dr. del Mundo. Ipinanganak siya sa Maynila noong Nobyembre 27, 1911.
Nagtapos siya ng Medisina noong 1933 sa University of the Philippines at nagpakadalubhasa sa ibat ibang pamantasan sa United States. Ang lahat ng kanyang natutuhan ay ginamit niya para mapaunlad ang larangan ng medisina sa sariling bayan, lalo na sa pediatrics.
Si Dr. Del Mundo ang first lady president ng Manila Medical Society, Philippine Pediatric Society, Philippine Medical Association at first Asian President ng Medical Womens International.
Naging propesora siya sa Far Eastern University at sumulat nang mahigit sa 150 scientific papers. Sa loob ng 20 taon ay nagsulat ng kanyang weekly health column sa Sunday Times Magazine na ang pamagat ay Baby and You."
Siya rin ang nagtatag ng Childrens Home, Children Medical Center at Institute of Maternal and Child Health.
Tumanggap siya ng maraming awards dito sa bansa at maging sa ibang bansa. Kabilang sa mga natatanging awards ni Dr. Del Mundo ay ang Elizabeth Blackwell Award for outstanding service to mankind noong 1966; Ramon Magsaysay for Public Service by a private citizen noong 1977; Academian-National Academy of Science and Technology 1979 at ang National Scientist Award 1980.
Bagamat hindi nakapag-asawa, milyong kabataan, na ang karamihan ay mga sikat na tao na sa lipunan ngayon, ang kanyang inaruga. Para sa kanya ang maglingkod sa kapwa at madugtungan ang buhay ng maysakit ang dakilang adhikain niya sa buhay. Noong nakaraang Medicine Week, pinarangalan siya ng Manila Medical Society sa karangalang Most Outstanding Medical Practitioner of the 21st Century. Ako ay naghandog ng isang kundiman sa kanya. Happy birthday Dr. Del Mundo. Pagpalain ka ng Dakilang Maykapal ngayon at kailanman.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended